E P I L O G U E

1.6K 28 0
                                    

E P I L O G U E

After Two Years

NAGULAT ako ng biglang nagrinig ang phone ko. Kinuha ko naman kaagad sa bag ko at nung nakita ko na si Darius yung tumatawag agad agad kong 'tong sinagot.

"Hello Honey!. Kamusta!?!." masayang bati ko.

"Eto okay naman." malungkot na sabi niya, bakas na bakas sa tono ng boses niya na hindi siya okay.

"Eh?. Kelan pala uwi mo rito. You know? I miss you so much. Di ba ngayon month ka uuwi? Hayyyss, salamat at makakasama na rin kita ng matagal marami kang kasalanan sa -----"

"Honey, I'm sorry pero hindi ako makakauwi this year. Yung boss kasi namin, gusto pa akong pag-stay-in eh. I'm so sorry talaga. Babawi talaga ako sa'yo. Hindi kasi ako makatanggi sa kanya eh, ang sabi niya pa tataasan niya ang salary ko dito sa cruise, basta mag-extend lang ako kahit 1 year na lang. Gusto ko kasing mabili yung Duplex Penthouse sa Tibreca sa New York."

Napabuntong hininga ako, nakailang beses na ba siyang naudlot sa kanyang pag uwi.

"Yeah, yeah naiintindihan ko. Pero sana intindihin mo rin naman yung nararamdaman ko. Pang-limang beses mo na atang delay 'yan ng pag uwi eh. Dapat nga last year ka pa nandito. Mas pinipili mo pa 'yung boss mong baklita dyan."

"H-honey naman?. I love you."

I love you mo mukha mo!. Hindi ko na siya sinagot at binabaan ko na ng phone. Nakakainis, ayan nanaman siya sa palugit na 'yan. Bakit ba kasi hindi niya mahindian yung bruhang baklita niyang boss na akala mo anaconda kung makayakap sa kanya. Tss.

May narinig naman akong kumatok sa dressing room. Pinasok ko naman yung phone ko sa bag at tiningnan ang sarili ko sa salamin.

"Why?."

"Ms. Luxanna, kayo na po ang magpeperform."

Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Feroda cup check, high waisted shorts check and white long sleeve top check. Maganda rin ang pagkakamake up sakin ni Ange kanina, may pagkafierce ang itsura ko ngayon. At mas lalo pa akong nagiging hot dahil sa bright red lipstick na nasa labi ko.

"Okay." lumabas na ako ng dressing room at sinundan ko yung isa sa mga babaeng staff ng bistro.

May bago kasing branch dito sa Quezon City 'tong Bad Blood Bistro at ngayon ang grand opening. As in lahat ng performer sa iba't ibang branch nito ay pinapunta rito para makapagperform. At isa na ako dun. Ako ang opening act ngayon.

Inabot lang sakin ni ateng hindi ko kilala ang pangalan ang isang microphone na kulay red.

Talagang pinaghandaan ni boss ang ocassion na 'to. Ito kasi ang pinakamakaling branch nila na naitayo kaya pwedeng mag accomodate ng maraming tao. Which is true, naririnig ko mula sa backstage ang ingay sa labas.

Its been 2 years nung huli akong pumunta ng New York. Nakakatuwang isipin na I totally fell inlove with that place. Hindi na ako nakabalik dun dahil naging busy na rin kami ni Darius, pati na rin sa OJT namin kaya ako na mismo ang nagdesisyon na 'wag na munang pumunta doon.

Grumaduate na rin kami ni na bessy Ange last year. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang five star hotel sa Manila bilang isang chef dahil habang nag aaral ako ng HRM, nag aral na rin ako ng Culinary Arts ng sabay for 2 years. Kaya madali na saking makapasok at sila na mismo ang humahabol habol sakin.

Si Ange naman ay isang certified psychometrician na. She had passed the LET exam before we graduated last year.

Si Irold lang ang kawawa samin, dahil may tatlong taon pa siya sa college, alam niyo naman na Law ang course ng gaga kaya ayan.

Ruthless GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora