Chapter 3

2.1K 56 15
                                    

Chapter 3

Lux

DI ko talaga kinakausap yan. NEVER EVER. Siguro di nya rin naman ako ma feel sa room namin noon, halos lahat ng classmates kong babae eh pinagkakaguluhan sya. Ako lang ata ang hindi eh. Itsura ko pa lang bagsak na sa standard nya. Ito pa ang isa pang fact. He never ever seduced me. Wala kasi akong panama sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

I have a very long hair na abot hanggang waist. Di naman din ako sexy tulad ng iba. Nakasamalamin pa ako paminsan minsan.

Ay teka nga. Bakit ko ba pinoproblema yan hayss naman! kahit ata magtransform ako bilang isang mala diyosang diwata eh di nga ako papansinin. Tsaka di ko din naman sya papatulan. EEWWEE lang ah!. Over my dead gorgeous body! oh my!.

Alam nyo yung feeling na makikita mo pa lamang sya sa malayo kumukulo na ang mga sipon ko sa ilong. Ang sarap ilublub ang pagmumukha nya sa kumukulong putik!!! tapos tapos ...

"Bessy kumain ka na. parang papatayin mo sa titig yung kaakbay ni Darius eh" hinampas naman ako ni Angelica sa braso. Nyeta itong babaitang ito ah.

Kung na kakamatay lang itong mga titig ko. Siguro patay na silang dalawa ngayon.

"Hay nako! hmmm sana ako na lang ang kaakbay ni papa Darius!!! hayss" reklamo ni Irold samin. 

Kaharutan nitong baklang ito ah!. Di na mapigilan aisshhtt.

Tinignan ko na lang ang pagkain ko. Hayss nakakagutom. 

Nagpaalam na lang ako sa kanila na gagamit muna ako ng restroom at pinauna ko na sila na pumunta dun sa gymasium. Di ba nga sabi ko dun sa mga nakaraang chapter na may orientation kami after ng break. 

Pumasok naman ako. Tingin dito tingin doon. Uy! walang tao. Tumingin lang ako sa salamin tapos nagsuklay na ako. Magpapaganda ako ngayong first day makikita ko nanaman kasi si Winter AYYY!!! KAWAII!!!. 

"Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah*tsup* " 

HUH ? Anu yun. Unnecessary noise?.

Aisshhtt...

Baka guni guni ko lang yun. Kulang pa kasi ako sa tulog eh.

"Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah*tsup*" 

Hindi eh may naririnig talaga ako. Shet nakakatakot lang ako lang mag isa dito sa CR. Tinignan ko naman yung likod ko. Cubicle kasi ang mga nandoon na may pinto. 

Bakit may apat na paa dito sa isang cubicle?.

WAHHHH!!! 

"Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah*tsup*"

Kumuha naman ako ng tabo tapos nilagyan ko ng tubig galing sa gripo. Mahina lang ang pagkakabukas ko para di nila mahalata. Mga malalandi kayo ah. Dito nyo pa ginawa yan. Paktay kayo sakin. Bilang isang concern student, kahit mayaman ka pa hmmm alam na.

"Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah*tsup*" 

Di pa rin talaga sila tumitigil ah. Sige pagpatuloy nyo lang yan. Dahan dahan naman akong lumapit dun sa cubicle. Sana hindi naka lock. Sana.

Pinihit ko ng dahan dahan yung doorknob.

Uy sa sinuswerte nga naman. Hindi sya nakalock. Paktay talaga kayo sakin.

"Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah *tsup* Ah*tsup*"

Binuksan ko na yung pinto.

"WAHHH???!!! WHAT THE HELL!!!" napasigaw na ako.

Ruthless GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora