Chapter 50

751 26 0
                                    

Chapter 50

Darius


"Mom, totoo bang anak mo siya?!."

Umiwas lang ng tingin sakin ni Mommy Deluxe.

"K-kuya Darius naman. W-wag mo naman sigawan si Mama." nag aalala pang sambit ni Aira pero hindi ko na 'to pinansin.

Napatitg ako sa kanya "B-bakit mo iniwan si Lux?. Bakit mo siya pinabayaan?!. H-hindi mo ba alam kung gaano siya naghirap ha?!. H-hindi mo ba alam na halos kayudin na niya ang lahat ng trabaho niya para lang kumita ng pera. H-hindi mo ba alam kung paano siya nagsumikap para magkapera?!. At kung anung naging epekto nito sa kanya?. M-may inaalagaan kang ibang tao pero yung sarili mong anak hindi mo man lang binisita o tinangkang kamustahin?!."

"Darius! tumigil ka na!." hindi ko pinansin si Dad pero feeling ko alam niya din ang tungkol dito.

Ako lang ba ang tanga dito sa bahay na 'to?.

"S-sarili niyong kapamilya inabanduna niyong dalawa?." sigaw ko sabay tingin ko kay Aira "ang sama sama niyo. Kinamumuhian ko kayong dalawa. Hindi sana siya nakakaranas ng hirap kung hindi niyo siya iniwan!. Wala kayong kwentang dalawa!. Ayoko ko kayong makita!."

"A-anak naman." naluluhang sabi ni Mom pero hindi ko 'to pinansin at ininda. Hinawakan niya ang mga kamay ko pero tinabig ko 'to.

Iniwan ko sila dun at dali-dali akong umalis ng bahay at nag drive patungo sa unit ko. Nakakadiri silang lahat.

Lux

"

S-so alam niyo pa lang lahat?. Ako lang ba ang tanga satin ha?!."

Hindi ko maiwasan ang pagkainis sa tono ng boses ko. Nandito sila Ange at Irold ngayon sa ospital, dahil alam nila na ooperahan si Kuya Ronan ngayon. Napahilot ako sa aking sintido at napabuntong hininga.

"B-bessy ginawa lang namin ang dapat gawin."

"O-oo nga bakla. W-wala naman kasi kaming karapatan na manghimasok sa problema ng pamilya niyo."

Umiwas ako ng tingin. Tama rin naman sila. Pero naiinis pa rin ako dahil tinago nila sakin yun. Nakakainis 'to nanaman ang mga luha ko. Bumabagsak nanaman. Bwiset silang lahat.

"W-wag niyo muna akong kausapin, pare-pareho kayong manloloko. Umalis na muna kayo. Ayoko ko kayong makita at gusto kong mapag-isa na muna."

Hindi ko na sila tiningnan at tumungo na lamang habang nakatingin sa paper cup ng kape na ininom ko kanina. Narinig ko ang pagtayo nilang dalawa at ang yabag ng kanilang mga sapatos na unti-unting humihina na ibig sabihin ay umalis na sila.

Pagod na akong umiyak. Nakakasawa na. Ubos na ang luha ko. At wala na akong maiiyak pa. Nagulat na lang ako ng may tumabi sakin. Si tita Mayeth pala.

"Anna, kahit naman hindi na tayo masyadong nagkakausap ay hindi mo na sasabihin sakin ang problema mo. Makikinig ako sayo. Magkwento ka at ilabas mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon."

Niyakap lang ako ni tita Mayeth kaya nagbagsakan nanaman ang mga luha ko. Iyak lang ako ng iyak habang kinukwento ko ang lahat lahat. Mula sa contract namin ni Darius hanggang sa confrantation namin kanina sa resto. Naikwento ko rin kay tita Mayeth yung about kay mama na nakaharap ko na siya kanina.

"Alam mo ba kaya nirecommend kita kay Mr. Cruz?."

"Huh?. Bakit naman tita?."

"Dahil alam kong mabait na bata si Darius."

Ruthless GameWhere stories live. Discover now