Chapter 20

1K 34 0
                                    

Chapter 20

Lux

"Bilisan mo nga attii! ang bagal bagal mo namang maglakad!" singhal nitong si bakla saakin.

God paano ba naman ako nasali sa gulong ito!. Ni hindi ko man lang alam na napasubo ako dito. Mga hunghang na kaibigan ko na yan. What the hell!. Kanina pa ako mukmok ng mukmok dito sa isang tabi at ayaw ko nang sumama sa kanila.

"Tanggapin mo na kasi bessy na kasali ka na whether you like it or not! kasali ka chicken na chicken lang yan sayo" sabi sakin ni bessy. Isa din ito! may atraso sakin to!. Sya ang nagsali sakin sa gulong ito!.

"Tsaka Lux anu ka ba! tiwala lang!" sabi ni Taylor then she flipped her hair. Hay naku!. Wala na ba akong matinong kausap dito!. God mahabag ka sakin!.

Kanina pa ako nagaalboroto dito sa galit. Paano ba naman mapapasali ako sa punyetang battle of the bands na yan!. At alam nyo readers kung sino ang may kagagawan?!. Si anacondang peppermint at si bessy sama mo na si Taylor naku. At isa pa paalis na kami ngayon! as in ngayon na talaga! 2 weeks kaming mawawala sa school dahil dun sa practice na yan!. Ang hirap makahabol sa school works my gosh!. Tsaka wala na rin akong magagawa tssskkk.

"Sandali lang pwede? huh?! pwede?!" sininghalan ko silang ;ahat at bumalik muna ako sa pwesto nila nasa bus station na kasi kami para naman makapag paalam kina kuya Ronan. Hinatid na kasi nila ako dito sa sakayan ng bus. Sa Tagaytay daw yung tinutukoy na lugar kung saan kami magpapractice.

Nilapitan ka na yung kambal tsaka si kuya Ronan "ikaw kuya wag ka masyadaong magpagod huh?! kung hindi kamao ko matitikman mo tsaka alagaan mo yan kambal huh?! habang wala ako ok?"

"Aye aye bunso! at ikaw naman galingan mo ah!" sabay pout ng lips nya he looks so cute "ingat ka dun ah!" then ginulo nya ang buhok ko.

Tumingin naman ako dunsa kambal "kayo Yin at Yan wag kayong papasaway kay kuya Ronan nyo ah at alagaan nyo si Margaux ko 3 times a day kung pakainin yun! oh sya alis na kami!"

Kinisan ko lang silang tatlo at sumunod na akong sumakay ng bus. Actually marami kaming contestant ng battle of the bands na yan. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kasali ako dito. Wala na akong makitang upuan at ang nakita ko naman si Winter na walang katabi.

"Occupied na ba ang seat na ito?" tatluhan kasi ang upuan at mag isa lang sya dun. Nahihiya pa rin akong kausapin sya. At mahigit isang linggo na nya akong hindi pinapansin. So pinamumukha nya saakin na iniiwasan nya ako?!. Wala naman ata syang dahilan na iwasan ako eh. Pero alam ko sa sarili ko na may dahilan ako kaya iniiwasan ko sya. Pero hindi ko alam kung bakit di man lang nya ako kausapin. Nakakahurt lang kasi. Bigla ko tuloy namiss ang makulit na Winter na ito.

Tinignan nya lang ako at tinanggal yung headphones nya. Tumango lang sya. Ni isang salita wala man lang syang sinabi sa akin. Anu ka ba Lux tuktukan mo nga yang ulo mo!. Alam mo feeling na gustong gusto ko syang kausapin. Hayss napabuntong hininga na lamang ako at tumabi na sa kanya.

"Honey tabi tayyyoooo!" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Hay naku akala ko ba naman magiging Darius free ang two weeks stay ko sa Tagaytay. Hay kasama ko pa ito!.

Tumabi lamang sakin si Darius with matching evil smile pa. Humal talaga ito.

Habang nasa byahe kami pinaggigitnaan ako ng mga hot na papabols si Winter malapit sa bintana at si Darius naman yung nasa kabilang dulo. Ito naman si Darius dada ng dada nakakabaliw na talaga ang kaingayan. God gusto ko ng peace of mind.

"Would you please shut up your mouth in just five minutes? my gosh gusto ko ng peace of mind huh?" brokenhearted na nga ako nangaasar pa ang isang ito.

Pero after five minutes nagdadadada nanaman sya ng kung anu anu. Eto ngang katabi ko na gustong gusto kong kausapin habang nakatingin sa window nitong at sobrang tahimik na si Winter. Gustong gusto kong mag simula ng topic para mawala ang awkwardness namin sa isat isa pero bakit parang napaurong ang dila ko.

Ruthless GameDove le storie prendono vita. Scoprilo ora