Chapter 26

818 34 1
                                    

Chapter 26

Lux

"Hoy babaita mag kwento ka nga!" sigaw sakin ni Ange habang nagsusulat ako ng articles about sa mga nangyayari sa practice. 

"Pwede ba mamaya na bessy di pa ako tapos itong ginagawa ko" singhal ko sa kanya habang hindi siya nakatingin.

"Pwede namang mahkwento ka kahit nagsusulat ka no! ikwento mo na nga yang nangyari senyu ni Winter! mag iisang linggo na tayo dito wala pa rin akong alam sa love story nyo kasi nga busy diba?" 

I sigh. 

Talo talaga ako sa babaitang ito. Oh sya makapagkwento na nga para may inspiration naman ako sa pagsusulat.

"Wala namang magandang nangyari samin dito! ay oo nga pala mamaya pala ipapatawag tayo ng instructor may sasabihin daw satin kaya ikaw maligo ka na malapit na rin naman akong matapos dito" 

Bumuntong hininga na lamang siya "hmmm ewan ko sayo pero sana makalusot ka sa problemang pinasukan mo Lux ako na nagsasabi sayo"

"T-tinatakot mo ba ako?!" shet ang creepy ng boses nya.

"Hindi kita tinatakot bessy nagpapaalala ako sayo" seryosong sabi niya sakin at dumiretso na sa CR.

Tinago ko lang lahat ng ginawa ko at inayos ko na ang sarili ko at gorabels na kami mamaya.

Sina Tay at Megan naman kanina pa nakabihis oh kaya nauna na ata dun sa auditorium dun sa hotel kung saan kami nagpapractice. 

Maya maya lang eh pumunta na kami ni Ange dun sa hotel at sinalubong naman kami nina Tay at Megan.

"Ang tagal nyo ah!" sabi niya sakin sabay hampas sa braso ko.

"Pasok na tayo baka pagalitan tayo" seryosong sabi ni Megan samin kaya nagsisunod na lang kami.

Marami nang tao at nandun na rin sina Darius. Nag smirked lang siya sakin tsaka ngumiti. Si Winter kahapon ko pa di nakikita.

"Ok so I think this is the right time para sabihin ito" sabi nung instructor namin sa stage "kung inaakala nyong ordinaryong battle of the bands ang contest nyo ay nagkakamali kayo" 

"HUH? Anu po iyon sir"

"WHAT? bakit naman po"

Ayan ang nakita naming reaksyon sa mga ka bandmates namin.

"Ok guys quiet! concert ang gagawin natin! hindi lang siya ordinaryong kantahan lang at rakrakan! may twist ang sa atin kada band may sari sariling performance parang concert kung baga" tumahimik naman ang lahat at halos lahat sila ay nakangiti dun sa sinabi ng instructor "parang red tour ni Taylor Swift kung anu anung performance ang ginawa niya kaya ayun ang magiging basehan natin, at ito pa guys mag bubunutan kayo kung sinong sikat na hollywood singer at OPM singer ang gagayahin nyong kanta" 

"WHHHAAAATTTTT?" sigaw naming lahat. 

Halos nakapagpractice na kaming lahat tapos ngayon lang sasabihin yan. WHAT THE FUCK! tapos mamaya makuha pa namin si Miley Cyrus edi mag wrewrecking ball ako sa stage. Wag na no!.

"Ok alam kong nakapagpractice na kayo ng piece nyo pero hindi nyo pa naman ata tapos kaya sinabi ko na ito" ngumiti lang siya sa amin "guys lahat ng hollywood singers at OPM singers na ito ay babae don't worry di nyo makukuha si Justin Bieber! ok mga lead vocalist please go infront at pick your singer" 

Agad agad naman akong tumayo para pumunta sa stage. Lord sana si Taylor Swift ang makuha kong singer!. Waaahhh!. I'm begging! waaahhhh!. Kinakabahan ako sa mabubunot ko. Mamaya hindi pala nila gusto itong singer na mabunot ko at magalit pa sila saakin waahhh wag naman sana!.

Ruthless GameDove le storie prendono vita. Scoprilo ora