Chapter 53

672 22 0
                                    

Chapter 53

Lux

"

Eto ate Anna, inumin mo muna. Lasing na lasing ka kagabi sabi ni tita." inabot sakin ni Aira ang isang tasa ng kape.

"Ah salamat. Buti nga hindi masakit ang ulo ko at hindi ako nagka-hangover."

"Kamusta naman kayo ni Kuya Darius?."

Napaiwas ako tingin at napatingin na lamang sa mga halaman sa labas ng bintana. Anu na nga bang meron saming dalawa?.

"Ayun brokenhearted. Nagpakalasing ng dahil sa kanya."

"Tsk tsk tsk." napapailing na sabi nito "alam mo kasi ate Anna may pagkatangengots ka rin kasi minsan. Kung mahal mo talaga siya, i-push mo 'yang pagmamahal mo. Tsaka alam kong mahal na mahal ka nun. Ikaw lang kaya ang babaeng kilala ko na tumagal sa ugali nun."

Humigop ako ng kape "sabagay, tangengots din ako minsan. Pero 'wag kang mag alala, bukas o baka mamaya ihahanda ko na ang sarili ko para makipag ayos sa kanya."

"Shongaers ka rin kasi. Mahal na mahal mo yung tao tapos papalayuin mo sayo. Tama rin 'yan na mag usap na kayo. 'Wag niyo nang patagalin, gusto ko na kasi kayong maging masaya." lumapit naman si Luxenne Aira sakin at may ibinulong "gusto ko na rin magkaroon ng cute na cute na pamangkin."

Halos maibuga ko ang iniinom kong kape sa kanya. Jusko!. Hinampas ko lang siya sa braso niya.

"Hoy! nag aaral pa ako!."

"Sus!, nung unang punta ko nga dun sa unit niya noon. Nakita kita na nakasuot ng damit niya. Don't tell me, hindi kayo gumagawa ng boyfriend and girlfriend thingy sa kama?."

Binatukan ko ang gaga. Hinayupak na 'to, ginawa pa akong liberated. Tsaka kelan pa naging boyfriend and girlfriend thingy ang pakikipagsex?. Para sakin kasi ang gawain na 'yun ay para lang sa mga kinasal at pinag isa ng mata ng Diyos.

"Ikaw! ganyan siguro ang hobby mo nung nasa ibang bansa kayo no?. Eww, deflower ka na?."

Nanlaki lang ang mga mata niya habang nakabunga ang kanyang bunganga "eww! hell no?."

After lang namin na magkwentuhan ni Luxenne ay umalis na rin kami papunta sa ospital.

It took a couple of minutes ng makarating kami. Agad akong sumugod papunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto nandun sina tita Mayeth at yung mga anak niya.

Nilapitan ko si Kuya Ronan at saka umupo sa gilid ng kama niya.

"Hays ang kuya Ronan ko ang gwapo gwapo pa rin. Sorry ngayon na lang ulit kita nadalaw dito." sabi ko then hinaplos ko ang kanyang buhok.

Si mama naman ay pinagbabalatan ng prutas si Kuya at si Luxenne ay nakikipaglaro dun sa kambal na anak ni tita Mayeth. Remember guys? Yin and Yan. Yung mga makukulit na chikiting na yun ang tagal hindi binanggit ni author dito sa kwento.

"Ewan ko sayo. Bola ka nanaman."

"Sus eto naman di na makisakay. Minsan na nga lang kita bolahin."

"Bwiset ka kasi!. Tsaka may kasalanan ka pala saken!." mataray na sabi ko sa kanya habang pinalalakihan ng mga mata.

"Anu nanaman 'yon?."

"Ikaw pala!, nagkikita na pala kayo nina mama dito sa ospital ng hindi ko alam!."

Tumawa bahagya siyang umayos ng pagkakaupo sa hostipal bed "eto naman, anu naman kung hindi ko nasabi sayo? busy ka eh."

Ruthless GameWhere stories live. Discover now