" tapos na? uwian na pala " sagot ko.

" oo te, kanina ka pa tulala
halika na , hahanapin pa natin I.D mo " saad naman ni Bry.

Agad akong inayos ang mga gamit ko at tumayo.

Habang naglalakad kami sa hallway ,
biglang nagsalita si Bry.

" Di mo ba naramdaman na nahatak I.D mo? or sumabit? " tanong nya.

Umiling lang ako.

" eh, san ka ba dumaan? baka marami kang pinuntahan? " tanong naman ni Caryl sakin.

" Sige, isa-isahin mo mga dinaanan mo " sabi naman ni Bry.

" Bahay, kalsada, sasakyan,MRT, jeep at kalsada " sagot ko sa kanila.

" madami-dami, " sagot ni Bry, binatukan naman sya ni Caryl.

" malamang, ikaw nagtanong ka pa, ano lakarin natin papunta kila ulan? " saad ni Caryl kay Bry.

" hmm, magpasa ka nalang kaya ng letter of lost chuchu " sagot ni Caryl sakin

" Oo, para kapag pumasok ka bukas mapapapasok ka " saad ni Bry.

Ngumuso nalang ako at yumuko.

Bakit ba kasi ang burara mo , Rein?
hay nako.


" sige, byeee ingat ka ah? wag kang mag-alala gagawan natin yan ng paraan " saad ni Caryl sakin at niyakap ako.

Habang naglalakad ako palayo sa kanila, tinititigan ko yung daan.
Saan ka ba kasi nahulog?

Maya-maya may jeep nang masasakyan,
tinignan ko orasan ko.

3 : 19 p.m

puntahan ko kaya si kuya?
para aware sya na wala na I.D ko,
para tulungan nya akong maghanap?

buang.

istorbohin mo pa kuya mong nagttraining.









4 : 37 p.m

Andito ako sa gate papuntang building ng ShowBT.

Oo, talagang pinuntahan ko kuya ko.
Ewan ko, miss ko narin yon.
Di ko na sya madalas makita sa bahay.
Kadalasan kasi mas maaga alis nya sakin.

Habang naghihintay ako,
tumitingin-tingin ako sa mga dumadaan na tao baka isa don kuya ko.

" Ma'am? may pupuntahan ba kayong building? " biglang nag-approach si kuyang security guard.

" ahh, di po. May iniintay lang po ako, salamat po sa pagtatanong " sagot ko at nginitian si kuya.

" Ah, ma'am upo ka po muna oh, upo ka muna rito " pag-aalok ni kuyang security guard ng upuan nya.

" Salamat po, " sagot ko at umupo na.

Habang naghihintay, nagsscroll muna ako sa phone ko.
Napapatawa ako ng mga videos na napanood ko. Sandali kong nalimutan ang oras

Mukhang nalibang ako at di ko namalayan ang oras,

7 : 12 pm na, alah ka.

" excuse po? " kinalabit ko si kuyang guard.

" yes po ma'am ? " agad na sagot niya.

" may lumabas na po ba na hmmm, limang lalaki rito? mula po sa building nayon po " sabay turo ko sa building kung saan nakaoffice ang ShowBT.

" nako ma'am, wala po akong napansin e
sorry ma'am " pagpapasensya nya.
oo nga naman rein, di nya mapapansin.
Marami ang dumadaan rito.
baliw ka talaga.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now