Kinakabahan talaga ako. Huminga muna ako ng malalim.

'Kaya mo iyan Seleste!' pampalakas ko sa aking loob.

Iginala ko ang tingin sa buong paligid. Andami talagang nanonood.

I really dislike this much of crowd. Feeling ko kasi nasusuffocate ako o something.

Nagpalakpakan ang mga tao ng may binuhat at medyo inihagis sa ere na babae.

Nakita ko sa hindi kalayuan si Nikolas. Tumigil ito sa paglalakad kasama ang mga kaklase niya siguro. Tiningnan nila kung anong meron.

Nasa tabi niya yung lalaking nakabangga ko kaninang umaga. Nakita kong napasipol ang lalaking iyon dahil sa pagsayaw ng mga kaklase kong babae.

Tinuro niya pa kay Nikolas ang isang nagsasayaw pero umiling lang ang huli. Tumalikod na ito doon at umalis habang ang mga kasama niya ay nanatili at nanood.

I feel a little bit disappointed. Akala ko manonood siya sa amin. Pero mas okay na din yun. Atleast hindi madadagdagan ang kaba ko dahil nanonood siya.

Natapos na din ang performance ng ikalawang grupo kaya kami na. Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko. Nakita ko din si Marfori na sinisigaw ang pangalan ko. Nasa tabi niya si Cloud at nakangising pumapalakpak.

Bati na kami ng isang yon.

Ipinikit ko muna ang mga mata at nagpakawala ng buntung-hininga. The music started and I just follow. I didn't forget to smile kung nasa harapan na ako.

I sometimes throw glances at the crowds. Hinawakan ako ni Jeremy sa bewang para iangat for our last pose. Ako dapat ang nasa pinakamataas na part ng pyramid na gagawin namin.

Kinakabahan ako pero alam kong hindi nila ako pababayaan.

Ang dalawa naming baklang kasama ay nagtumbling sa harapan papunta sa likod. Nag-split din si Hanna at Becca sa magkabilang gilid.

Nagdrum-roll na kaya ibig sabihin malapit nang matapos ang music. Itinaas na ako ni Jeremy at Luke.

I held both my arms up and we shouted.

Nakita kong nagpalakpakan ang mga nanonood. Napangiti ako.

Binaba nila ako mula sa itaas.

We did a group hug. Nakisama din ang iba pang grupo sa amin. We all congratulate each other because of a job well done.

Lumapit si Sir Jim sa amin.

"What an amazing performance! Ano pa nga bang ini-expect ko from section 1 diba?" natawa siya.

"All of you got a hundred percent score!" He announce.

Napatalon-talon kami dahil doon. Nagyakapan kami ni Marfori.

"Hoy babae!" tawag sa akin ni Marfori mula sa pintuan. Nilingon ko siya. Nagliligpit na kasi ako ng gamit ko dahil uwian na. May mga kaklase pa naman akong nasa loob at nagka-copy ng nakasulat sa board.

Lumabas kasi siya. Bumili ng donuts, nagugutom na daw kasi ang mga alaga niyang bulate.

"Bakit?" sinukbit ko na ang aking bag at naglakad papalapit sa kaniya. Inabot niya sa akin ang hawak na box na may tatlong donuts. Kumuha ako ng isa at kinagatan.

"Yung I.D mo pala, oh" Iniwagayway niya ang I.D at QR sa mukha ko. Hinablot ko iyon.

"OMG! Paano mo nahanap 'to?" Para akong nabunutan ng tinik ng makitang nandito na ang I.D na kanina ko pa hinahanap.

Binawi niya sa kamay ko ang box ng donuts niya.

"Hindi ako ang nakahanap nyan. May kumalabit sa akin na Freshmen. Sinabi nitong ibigay ko daw sayo."

TGG Series #01: Brought By The WavesWhere stories live. Discover now