CHAPTER 20: KENRINE's First Date

60 1 0
                                    

Happy reading ! :)

KENNETH'S P.O.V

Jan. 4, 20--

Parang kailan lang, inis na inis sa 'kin si Katherine nun. Pero ngayon, nagagawa na niya akong pagpasensyahan kasi naman minsan tinotopak din ako kaya naaasar ko siya.

Pero tina-try ko namang di siya asarin e. Ang cute lang niya kasi pag napikon. Nakakapanggigil :">

Ang daming nangyare nung nakaraang isang taon. Parte na din siya dun . Buti nalang at nakilala ko siya. :) Di ko akalain na aabot kami sa ganito.

Kailangan ko na talagang galingan sa panliligaw. Gusto ko siyang makasama habang buhay. :'>

.......

Biglang tumunog yung phone ko. Nag-reply na siguro siya.

'Nandito na ako sa tapat ng Starbucks. Asan ka na?' Text sa akin ni Katherine.

Niyaya ko kasi siyang mag-mall uhmm I mean mag-date. Hehe Nagpaalam naman kasi ako ng maayos sa mga magulang niya at salamat naman at pumayag.

'Nasa loob ng starbucks ako. Pero lalabasin nalang kita. Wait a second. :)'  Reply ko naman sa kanya.

At agad naman akong tumayo sa inuupuan ko at lumabas na sa Starbucks . Biglang nag-iba yung pakiramdam ko.

Medyo, kinakabahan kasi ako. Ano ba yan! Ba't ngayon pa . Tss.. 'Umayos ka Kenneth.' Sa isip ko.

At nung makalabas na ako, may isang babae agad akong napansin sa tapat ng starbucks I mean sa tapat ko. Nakatalikod ito at she has a short blondé hair na medyo kinulot pa ata pero simple lang ang suot.

Naka Jeans at Croptop ata yung tawag dun sa pangtaas na suot niya yung medyo kita yung tiyan. Pero sa di inaasahan, tumalikod yung babae dahan-dahan paharap sa akin.

Di ako makapaniwala sa nakita ko pagharap ng babae. Namangha ako k-kasi hindi ko akalain n-na yung b-b-baeng yun ay s-si Katherine.

Parang biglang tumigil ang mundo ko nung papalapit na siya sa 'kin. At habang papalapit siya para bang nag-iislowmo yung mga lakad niya at parang nahahangin yung buhok niya na ansarap tingnan.

Tapos samahan mo pa nung mga ngitu niyang mala-anghel. Oh my gosh! Nakakatunaw! Bumilis naman ang tibok ng puso ko habang tinitingnan siya.

At eto na  malapit na malapit na siya. Nasa harapan ko na siya. Di parin naaalis yung mga ngiti niyang di nakakasawang pagmasdan.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakaharap ko na talaga siya. Diyos ko po! Ang ganda ng babaeng ito.

"Nasa langit na ba ako?" Walang kabuhay-buhay at walang kamalay-malay na sabi ko. Pero may tonong pagka-mangha.

"HUY! DANIEL!" Nabalik ako sa huwisyo nung namalayan kong nagsalita si Katherine sa harapan ko at iwinawagayway-wagayway niya yung dalawang kamay niya sa harap ng mukha ko.

UNEXPECTED LOVE [KathNiel]Where stories live. Discover now