CHAPTER 26: WEIRD FEELING

57 0 0
                                    

A/N: Hi, Loves! First of all, I just want to say sorry for not updating my story lately. Because we just got an emergency in our family, that's why. And I hope you do understand, guise! Ang hirap po palang mag-stay sa hospital...

Lalo na pag yung WiFi may password. Dejk. Basta yun na yun. Sorry talaga sa paghihintay, loves. :( Support naman jan oh! :')

______________________________________

3 months later...

KENNETH'S POV.

"Anak, can we talk? Kahit sandali?" Nagulat ako nung biglang tumabi si Papa sa akin habang nagpapahangin ako sa terrace namin.

"Oo naman po, Pa. Tungkol saan po?" Sagot ko.

"Uhmm..." Paputol na tugon ni Papa. Parang may kakaiba sa kanya ngayon.

Base sa mga kinikilos niya, parang may kakaiba akong nararamdaman tungkol sa sasabihin niya sa akin kung ano man yun. Pero sana naman mali tong pinag-aakala ko. Tss
'Ano ka ba, Daniel! Wag ka ngang Nega!' Sa isip ko.

"Uh... Tungkol sana sa inyong dalawa ng girlfriend mo." Pagpapatuloy ni Papa. At dun na ako nagsimulang kabahan. Ano ba yan, sinabi lang na tungkol sa amin ni Katherine eh. Ang OA ko naman masyado.

Pakshet naman oh! Pero nakakapagtaka naman kasi, ba't pag-uusapan namin ni Papa ang tungkol sa amin ni Kath? Tsk, ang weird.

'Why not, Daniel? Wala namang masamang mag-open up. Papa mo naman yan.' Singit nitong echosero kong isip. Oo nga naman.

"Ah, bakit po, Pa? Anong meron sa aming dalawa?" Medyo nine-nerbyos kong saad. Nagpapanic naman kasi 'tong kaloob-looban ko pag ganito ka-thrill o ka-intense ang usapan lalo na, si Papa ang kausap ko.

Di pa ako masyadong sanay makausap siya ng matagalan. Alam niyo naman, di kami close talaga. Pero noon yon. Tina-try ko nang maging close at mas maging nice sa kanya ngayon. O diba! Pero sersyoso, kinakabahan talaga ako.

"Eh kasi anak..." Paputol ulit ni Papa. Ano ba naman yan! Ba't di nalang niya kasi diretsuhin. Tsk

"Ano nga po yun, Pa?" Medyo naiinis na ako. Pero di ko masyadong pinapahalata. Si Papa naman kasi, para namang nasa teleserye kung makapagpa-thrill. Psh -.-

"Teka lang 'nak. Nagmamadali? May taxi?" Pa-bagets na sambit ni Papa.

Aba! May nalalaman pala 'tong ganito itong erpats ko? Akalain niyo yun? Papa ko, nakikiuso na din? Pffft! Kung sabagay.

"Eh kasi naman po kayo, paputol putol ng pagsasalita. Kinakabahan tuloy ako sa inyo." Napakamot ako sa batok ko. Tapos biglang huminga ng napakalalim si Papa. Nako! Lalim ng hugot ah!

"Eto na! Eto na!" ... "Nagkausap kasi kami ng Daddy nya yesterday."

"Oh? Ano daw po sabi? May problema ba? May nangyari po ba kay Kath? Ano po?" Nagpapanic kong tanong kay Papa. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito.

I feel something weird in this conversation. Todo talaga ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba talaga ang kutob ko eh.

"Teka lang! Mahina ang kalaban, 'nak! Ang hot mo naman masyado eh. Let me finish first. Okay?" Sabi ni Papa

Nag-nod na lamang ako bilang sagot at tumingin tingin sa paligid.

"Kenneth, anak... Kailangan niyo nang-------"
"KAKAIN NAAAA!"

UNEXPECTED LOVE [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon