CHAPTER FIVE: BULLY KATHERINE

46 0 0
                                    

A/N: HI GUYS! SO SORRY PO KUNG SUPER BAGAL NG UPDATE. E KASI NAMAN, PALAGING NAWAWALA YUNG CONNECTION NG INTERNET NAMIN DITO E. THEN SORRY KUNG KONTI LANG YUNG CHAPTER IV MAY BALI PO KASI YUNG DALAWANG FINGER SA RIGHT HAND KAYA MEDYO NAHIHIRAPAN AKONG MAG-TYPE =_= , PERO DON'T WORRY, I'LL TRY MY BEST. :)))) KAMSAMNIDDA! ^_^

______________________________________________________________________________________________________________

Ay, di ko pa pala nasasabi sa inyo kung bakit pinagpipilitan ng magaling kong Bestfriend na si Chiena na may gusto sa Asungot na Kenneth na yun. Why? Kasi sinabi ko sa kanya ang reason nung Tuesday kung bakit ako badtrip na badtrip kay Kenneth I mean kay Asungot nung First Day of class.

Kasi, pag yang bestfriend ko nangulit, naaaah I tell you, Hinding-hindi ka talaga tatantanan tsk kaya ayun, nung sinabi ko sa kanya aba! imbes na mainis din siya, waaah kinilig ang gaga argh ! Ewan ko ba dun. Aish! at sinabi pa nyang MTB(Meant To Be) at MBL(Must Be Love) pa daw kami like,, WTF! Destiny ko pa daw! Ano yun? Patchot at Ivan lang!? Naman! What happen to my bestfriend!? -,- Kahit kailan, hinding-hinding-hindi ako magkakagusto dun sa Asungot na yun. Over my dead (sexy) body! *evil laugh* paagbigyan nyo na yung sexy ! hahahahahaha Di naman din talaga ako mataba e.. sakto lang.. Minsan, malakas akong kumain pero di naman ako tumataba *sigh*

OKAY, BACK TO MY PLAN.

Yun na nga, we're here at the corridor para abangan sila to do our plan na......

Eto na! paparating na sila!

"Ayan na girl! They're coming! Omg! Na-kokonsensya na ako." Chiena.

"Tumigil ka nga jan." Saway ko sa kanya. "Kailangang maka-ganti na ako sa Asungot na yan." I added.

Guess what? Pinagtitilian lang naman sila ni Alex habang naglalakad sa corridor. At ang Asungot na Kenneth Daniel, kumakaway-kaway pa. Wow! Feeling Artista. Juice Colored! Pero teka, kailan pa naging Hearthrob ang asungot na 'to? Waaaah Di ko akalain yun ah. Kabago-bago pa lang nya. tsk Sabagay, di ko rin maipagkakaila na malakas ang appeal. Yes, I admit it. Malakas ang Sex Appeal niya pero duuuh, wala akong pake tsaka wa epek yun sa 'kin.

Eto na! Here they are malapit na! Papalayu-layuin ko lang muna at tsaka na kami aatake ni Chie.

.........................................

"Chiena, ready? 1..2..3.." At hinila ko na siya kunware nagmamadali at

"Ops! sorry! hihi." Me and Chiena. then I smirked at Kenneth. Then we run immediately after I tapped the paper on Kenneth's back. *wink* Tapos lumiko kami dun sa room na bakante (ewan ko kung bakit vacant yun) para dun magtago at silipin sila Alex at Kenneth.

"Kath, ohmygee! I'm so guilty of what we did to them. Ohmy! Kaaaath, What we gonna do? What? Anong gagawin natin pag nalaman nila? Katherineeeee..." Sunod-sunod na sinabi ni Chiena.

"Can you please shut up, Chie? Nakakabingi yang bunganga mo! Anoba. Akong bahala! KALMA!" Sabi ko sa kanya. Nakakainis, ratatat ng ratatat. tss Bestfriend ko ba 'to? nako naman.

KENNETH DANIEL'S POV.

Wow, grabe! Hearthrob na ba ako? Ang dami kong fans! O si Alex lang ang tinitilian ng mga 'to! hahahaha Hinidi, Kaming dalawa! Yun oh! Sabi ko sa inyo em Heathrob pa rin ako dito sa bago kong school bwahahahah pasensya na, I was just amaze! Weh? Lol

"Ops! sorry! hihi." Si Ms. Snobera at ang kanyang Bestfriend. Nagmamadali ata yung dalawang yun kaya nabangga kami pero nag-smirk pa saking si Ms. Snobera sa 'kin ah. hmm? tsk2 mga babae talaga! Pero ang sakit ng likod ko ah. Lint*k na Santos sa yun pasalamat ka maganda ka at di ako pumapatol sa babae. Aish! Ano ba Kenneth? Anong maganda? tss. Okay, I'm talking to my self again *sigh* Maganda naman talaga siya e. Masyado lang Masungit at napaka-snobera. Ewan ko sa babaeng yun.

Pero habang papalayo nang papalayo kami sa mga girls na nagtatawanan habang tinitignan, ako. Teka, What? TINATAWANAN AKO? AS IN.. AKO? Tutok na tutok sila sa 'kin di ko alam kung anong nangyayare 'tas tumitingin sa likod ko. Anyare? Kanina lang, tili ng tili yung mga yun tas ngayon, pinagtatawanan na ako. And eto pa, pati si Alex tinatawanan din ako habang lihim na sumisilip sa likod ko. Anoba? Ano bang meron sa likod ko? Ts. Ah, baka bakas yung sexy back ko. Pffft.

Siniko ko si Alex "HOY! Alex! Ano bang nangyayare? Kanina, tilian ng tilian lang sila ah. Bakit? Bakit nyo na ako pinagtatawanan ha?" Bulong ko para di masyadong halata na nag-woworry ako sa mga nangyayare. But still give a smile to those girls.

..ITUTULOY..

UNEXPECTED LOVE [KathNiel]Where stories live. Discover now