CHAPTER 29: Missing

7 0 0
                                    

Hi, loves! I'm finally back :)
Hope you'll enjoy my update mwa xx
________________________________________________________________________

Kenneth's POV

"Just stay there, I'm coming."
Then I ended the call

Sh#t sh#t sh#t! Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng umalis si Katherine sa Pilipinas. I need to do something. Kailangang hindi sila matuloy, hindi ko kakayaning mawala sa piling ko ang mahal ko.

'Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama, Kenneth' sa isip ko.

May naisip na akong paraan. I just hope that Katherine will agree with this. Sana pumayag kasi ayokong mapawalay sa kanya.

I texted her, "Babe, pack your things yung kaya lang dalhin to make it fast. Sa ayaw o sa gusto mo, MAGTATANAN TAYO."

Tapos agad akong lumabas sa kwarto ko at pinuntahan si ang kwarto ni Mama at Papa. Kumatok muna ako alangan namang diretso pasok lang ako eh hindi naman ako kaluluwa na basta basta lang nakakalusot sa kahit anong bagay.

"Come in" Narinig kong sabi ni Mama tapos binuksan ko agad yung pinto at nagmadaling pumasok. Medyo gulat pa nga reaksyon nilang dalawa ni Mama at Papa eh kasi napadabog ko ng sara ang pinto at madaling lumakad papunta sa kanila.

"Oh, Kenneth. What's the matter, son?" Pambungad ni Papa

Tumayo sila ni Mama mula sa pagkakahiga.

"Kailangan ko po kayong makausap" I replied.

"About what, anak?" Sagot ni Mama

"I w-want... Uhm... GustokongitanansiKatherine"
Whooo atlast nasabi ko rin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako kung ano magiging reaksyon ni Mama at Papa pero napansin kong hindi sila kumikibo at parang nagtataka.

"Kenneth. Ano ba talaga yun? Kalma ka nga lang. Dahan-dahanin mo para maintindihan namin ng Mama mo. You want, ano?" Kalmadong sabi ni Papa

"Yes, anak. We really don't get it. Ano ba iyon?" Pagsang-ayon ni Mama kay Papa

Bullsh#t naman talaga oh. Ganun ba ako ka-obvious na kinakabahan ako para di nila maintindihan yung sinabi ko? Put&ng#nang buhay!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita.

UNEXPECTED LOVE [KathNiel]Where stories live. Discover now