Dice Game - PART III

Comenzar desde el principio
                                        

Halos kalahating oras nang naglalakad si Justin ngunit hindi nya pa rin makita ang numerong 66. Iniisip nya kung gaano ba karaming silid ang nasa loob ng silid na ito, nakita na niya ang silid na may numerong 01 habang ang pinakamataas na numerong kanyang nakita ay 465. Parang isang maze ang buong lugar na punong puno ng mga silid.

Hindi nagtagal ay isang silid ang tumawag ng pansin sa kanya. Isang silid na may nakasulat na malaking "HERE!!" na gamit ang pulang pintura. Tinignan nya ang numero ng pinto at nakita ang numerong 66. Ginamit nya ang susi na kanyang nakita sa silid kanina. Tumalab ang susi sa doorknob at kanya itong binuksan, nagulat nang bumungad sa kanya ang isang sobrang liwanag na ilaw.

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 10:52PM

Kwento ni Justin sa kanila. Ipinakita niya sa mga ito ang litratong kanyang nakita sa silid. Nagulat ang lahat ng kanila itong makita dahil maski sila ay hindi alam ang dahilan kung paano napunta sa lugar na ito ang litratong kuha nila sa Baguio.

ALFIE: Sabi na e. May kinalaman to sa nangyari sa'tin sa Baguio.

Kinabahan ang lahat. Lalong tumibay ang palagay ni Alfie dahil nagpakita pa ng isang ebidensya.

KYLA: Hindi totoo yan Alfie, wag kang manakot.

ALFIE: Hindi ako nananakot. Isipin nyo, paano mapupunta yung litratong yan dito pati yung mga ballpen na souvenir natin sa Baguio.

MARICAR: Ballpen??

ALFIE: Oo, yung mga ballpen natin na galing pa sa Baguio, nandito rin. Nandoon sa silid na pinanggalingan ko.

JULIA: Pa'no naman mapupunta yun dun?

ALFIE: Hindi ko alam! Basta pagkagising ko nandun na yung mga yun.

JESSICA: Kung tungkol nga ito dun, sino namang gagawa nito?

Napaisip ang lahat.

KYLA: Teka, hindi kaya tropa nina Ian ang may gawa nito?

Napatingin ang lahat kay Kyla.

CANDICE: Sila Ian? Seryoso ka?

KYLA: Bakit hinde, alam nating lahat na mahilig mantrip yung buong tropa nila.

CANDICE: I doubt that, alam natin na mahilig silang mantrip, pero hindi pumasok sa isip ko na mag-eeffort sila ng ganito para mantrip lang.

MARICAR: May punto si Candice.

KYLA: Kung hindi sila, sino?

Muling napaisip ang ilan.

JERRY: Hindi nyo pa rin alam kung sino?

Napalingon ang lahat kay Jerry. Nakasandal ito sa pader.

MARICAR: Anong ibig mong sabihin?

JERRY: Di ba tinatanong nyo kung sinong may gawa nito. Sino bang nasa litrato na hindi natin kasama ngayon?

Agad na nagsitinginan ang lahat sa litrato at kanilang nalaman ang tinutukoy ni Jerry.

CANDICE: Si Hiko?

Isa lang din ang naiisip ng lahat at ang iba ay hindi makapaniwala.

RANDY: Si Hiko, humanda sya sakin kapag nakalabas tayo dito.

JULIAN: Teka, saglit!! Hindi pa tayo sigurado kung sya nga may pakana nitong lahat.

RANDY: Hindi pa ba halata, Julian? Sya lang ang wala dito. At ang litratong 'to? Bukod sa'ten sya lang sya lang ang may kopya nito.

JUSTIN: Tsaka di ba ang sabi mo, meron syang problema sa school kaya madalas syang absent.

JULIAN: Oo.. Pero hindi naman tungkol dito ang dahilan kung bakit sya madalas na absent.

JESSICA: Kung hindi ito. Ano?

Hindi agad na makasagot si Julian habang ang kanyang mga kasama ay hinihntay ang sagot niya.

MARICAR: Julian?? Sabihin mo, ano yung problema ni Hiko, yun lang ang paraan para malaman nati-

JULIAN: Hindi ko rin alam!! Ok? Yun lang din ang sinabi nya sa'kin, na meron syang problema kaya madalas syang absent. Pero hindi niya sinabi yung dahilan.

JERRY: See? So there's a chance na posible ang hinala ko.

Hindi na umimik pa si Julian. Ngunit alam nya sa sarili niya na hindi ang bestfriend nya ang may pakana nito.

RANDY: Kailangan na nating makalabas dito.

ΦΦΦ END OF PART III ΦΦΦ

The Game Maker: Dice GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora