Dice Game - PART II

164 8 2
                                        

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Two:

JANUARY 09, 2014
FRIDAY 09:13PM

Nagising si Alfie sa isang hindi pamilyar na lugar. Madilim ang paligid at kaunting liwanag lang ang kanyang nakikita. Ngunit alam nya na sya ay nasa isang silid at nararamdaman nya ang lambot ng kamang kanyang hinihigaan. Bumangon sya at nakita ang isang flashlight na naiwang nakasindi sa sahig. Ngunit nagtataka siya. Kakaiba ang silid dahil wala itong mga bintana Kaninong silid ito? Nasaan ako? Tanong nya sa kanyang sarili. Tumayo sya at pinulot ang flashlight. Suot pa rin nya ang uniporme nyang pampasok ngunit hindi nya makita ang bag nya sa paligid. Lumapit sya sa nakasaradong pinto at sinubukan itong buksan. Ngunit hindi ito bumukas. Agad syang nakaramdam ng kaba at naalala nyang muli ang mga pangyayari bago sya nagising sa lugar na ito. Isang boses ng babae ang huli nyang narinig at saka sya nakaramdam ng antok.

Pinipilit nyang buksan ang pinto ngunit hindi nya pa rin ito mabuksan.

ALFIE: Tulong!

Sigaw nya ngunit wala syang narinig na sumagot. Pinilit nyang buksan ang pinto ngunit ayaw pa ring mabuksan. Inilibot nya ang kanyang mga mata sa paligid, naghahanap ng paraan upang mabuksan ang pinto. Ngunit ang tangi nya lamang nakita sa paligid ay ang kamang kanyang hinigaan at ang mesa sa tabi nito na may nakapatong na garapon at punong puno ng ballpen? Nakita nya na ang mga ballpen na ito ay pamilyar sa kanya. Nilapitan nya ang garapon at saka nakompirmang tama ang kanyang hinala.

Anim na kulay pulang ballpen at pitong kulay asul na ballpen at sa bawat ballpen ay may nakasulat na 'Baguio'. Agad na syang kinabahan. Naalala nyang muli ang mga nangyari ng gabing iyon. Ang mga ballpen na ito ang naging souvenir nila noong nagpunta sila sa Baguio noong bakasyon. Ngunit paano naman napunta ang mga ballpen na ito rito? Pagtataka nya. Itinaob nya ang garapon. Nagulat sya ng kanya itong itaob, dahil hindi lamang ballpen ang laman nito kundi ang maliit na bagay na kanyang pinakakailangan. Ang susi at isang maliit na papel na may nakasulat na "Keep The Keys".

Agad nya itong kinuha at nagtungo sa pinto at kinalimutan na ang tungkol sa ballpen. Ginamit nya ang susi sa doorknob at laking tuwa nya ng bumukas ito.

Nakalabas sya ng silid, hawak pa rin nya ang flashlight. Sa labas ng silid ay lalong nakakatakot. Madilim at isang hallway na puro pinto ang kanyang nakikita. Para bang isang abandonadong building o mansion. Kahit nakalabas sya ng silid, hindi nya pa rin alam kung saan ang daan papalabas. Maingat syang naglakad sa hallway at hinahanap ang daan palabas, napukaw ang atensyon nya nang isang boses na sumisigaw.

VOICE: Tulong!!

Boses ng isang lalaki, pamilyar sa kanya ang boses na ito at agad nyang sinundan ang boses. Tumakbo sya ng mabilis hanggang nakita nya ang isang pintong nakabukas. Pagpasok nya sa loob ay bumungad sa kanyang harapan ang isang lalaki. Nakaupo sa sahig at nakapiring ng puting panyo at nakakadena. Tama ang kanyang hinala na kilala nya ang boses na ito. Dahil ang lalaking nanghihingi ng tulong ay si Nico, ang kanyang bestfriend.

ALFIE: Nico?

NICO: Sino ka?

Bigkas ni Nico, habang may nanginginig na boses.

ALFIE: Nico, si Alfie 'to.

Nilapitan ni Alfie si Nico at tinaggal ang kanyang piring. Naaninag ni Nico ang mukha ni Alfie.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now