Dice Game - PART XVI

66 3 0
                                        

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Sixteen:

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:31AM

Nagulat at napalingon ang tatlo sa lagusan kung saan nagmula ang boses. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil ang taong nakatayo sa lagusan ay si Justin.

JERRY: Uy! Ju-Justin! A-anong, anong ginagawa mo dito?

Nauutal na tanong ni Jerry sa kanya.

JUSTIN: Pinabalik ako dito nila Randy kasi kailangan namin ng mga flashlight.

MARICAR: Aa.. F-flashlight?

JUSTIN: Oo, wala kasing ilaw sa taas kaya sobrang dilim.

CANDICE: Umm.. Flashlight. Nasan na ba yung mga flashlight?

Tanong ni Candice habang sabay sabay silang tatlo na natataranta.

JUSTIN: Anyare sa inyo? Ok lang ba kayo?

JERRRY: Huh? A.. Oo, a-ayos lang kami.

JUSTIN: Bakit parang natataranta kayo? Andito lang yung mga flashlight oh.

Bigkas ni Justin at tinuro nya ito na nasa likuran lamang ni Candice. Kumuha ng tatlong flashlight si Justin sa anim na flashlight.

JUSTIN: Ayos lang ba talaga kayo?

Muling tanong ni Justin.

MARICAR: Oo, ayos lang kami. Bu-bumalik ka na dun, baka hinihintay ka na nila Alfie. Sayang yung oras nyo.

Agad na pag-aatubili ni Maricar kay Justin. Sumunod naman si Justin sa utos ng tatlo kahit na mayroong pag-aalinlangan. Pinanood nila itong papaalis hanggang sa makumbinsi silang wala na si Justin at saka nakahinga ng maluwag.

MARICAR: Sa tingin nyo narinig nya yung pinag-uusapan natin?

CANDICE: Ewan ko?

JERRY: Sa tingin ko naman, hindi.

Bumilis ang tibok ng puso nilang tatlo dahil sa biglaang pagbalik ni Justin sa sala.

CANDICE: Basta, tayong tatlo pa lang ang nakakaalam tungkol dito. Wala munang magsasabi sa iba tungkol sa mga nasagap nating clue.

MARICAR: Paano kung sila mismo yung makahula dahil nga sa clue?

CANDICE: Ewan, pero sana wag muna mangyari yun para masubaybayan natin si Justin.

Bigkas ni Candice.

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 01:29AM

Nakaupo at malalim ang iniisip ni Julian papaano nya mapapadaling tapusin ang larong ito habang si Hiko at Joanna ay patuloy lamang sa pag-ngata ng mga pagkain sa kusina. Nabigla ang dalawa ng bigla na lamang tumayo si Julian sa kanyang kinauupuan at papalabas ng pintuan ng kusina.

HIKO: Uy! San ka pupunta?

JULIAN: Dyan lang, maglalakad-lakad.

HIKO: Sama!

JULIAN: Wag na!

Malamig na bigkas ni Julian.

JULIAN: Gusto kong mapag-isa.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now