Dice Game - PART V

162 4 3
                                        

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Five:

JUNE 03, 2013.
MONDAY 08:42AM

Enrolment para sa 2nd year. Pumasok si Nico ngayon para kumuha lamang ng register form. Pasukan na naman, ngunit sariwa pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari noong bakasyon, hindi nya maisip kung ano ang magandang paraan para makalimutan at matakasan ang malagim na pangyayari iyon.

DRIVER: Sir, nandito na po tayo.

Bigkas ng kanyang driver. Bumaba sya ng kotse.

NICO: Salamat kuya Bert.

Bigkas nya sa kanyang driver at naglakad na sya patungong gate. Sa kanyang pagpasok ay nakasabay nya si Ian.

IAN: Uy! Nico!

NICO: Uy, Ian. Ikaw pala yan.

Si Ian ay isa sa myembro ng Seven Deadly Sins. Ang SDS ay grupo na ibinansag sa kanila dahil sa lakas nila mantrip at mang-asar na minsan ay humahantong na sa pambubully. Ang dating SDS ay kinabibilangan nina Ian, Roland, Norman, Randy, Zack, Jolo at Daryl. Ngunit nagkawatak watak sila dahil sa hindi pagkakaunawaan noong 2nd Semester, last year. Humiwalay si Roland at Norman, samantala si Randy naman ay sumama sa tropa nina Jerry, dahil na rin kay Kathleen na nililigawan nya nung mga panahong iyon.

Bago pa man din matapos ang 2nd Semester, last year ay muling nabuo ang SDS ngunit iba na ang ibang myembro. Ang Seven Deadly Sins Minus One o SDS-1 na kinabibilangan nina Ian, Zack, Jolo, Daryl, Xaint, at Miguel.

Si Ian Borres ang pasimuno ng lahat ng mga pantitrip na ginagawa nila. kadalasan, dahil sa mga pantitrip nila ay napapahamak sila. Mabait ang kanilang tropa at hindi sila isang Frat. o gangsters. Wala silang bisyo maliban sa pantitrip. Pagdating sa mga school activities ay maaasahan sila at matatalino din sa klase, sadyang maloko lang at pasaway. Sila nga kayang may kagagawan sa mga nangyayari kina Jerry sa kasalukuyan?

IAN: Kumusta ang bakasyon?

Tanong nya ngunit hindi agad na nakasagot si Nico.

NICO: a..e ayos lang naman. I-Ikaw, kumusta bakasyon mo?

IAN: Ayos lang din naman. Umuwi kami nung probinsya nung bakasyon kasi meron akong namatay na kamag-anak.

NICO: Oh, I'm sorry for your loss.

Sambit nya upang makiramay.

IAN: Ayos lang, Alam ko namang wala kang kasalanan e.

Bigkas ni Ian. Muli syang nagulat sa mga salitang lumabas sa bibig ni Ian. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti.

IAN: Sya nga pala, di ba nagpunta yung tropa nyo sa Baguio nung bakasyon. Kumusta nga pala yun? Nag-enjoy ba kayo?

Hindi agad na makasagot si Nico sa mga tanong ni Ian. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin at kung paano nya sasagutin ito.

NICO: Ummm..

VOICE: Huy! Ian!! Halika dito!!

Sigaw ng lalaki sa malayo, sabay silang lumingon at hinanap kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ni Ian na tinatawag sya ng mga katropa nya.

JOLO: Huy! Ian!!

IAN: Sige, Nico mamaya na lang.

NICO: a..ok, sige.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now