Dice Game - PART XXIV

68 3 0
                                        

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Twenty-Four:

JANUARY 10, 2014.
SATURDAY 02:42AM

Sabay- sabay na nagsitakbuhan sina Randy, Maricar, Hiko, Justin, Julian at pare-pareho nilang sinusundan si Jessica na nangunguna sa kanila at nagtuturo ng direksyon. Ibinalita kasi ni Jessica na may nangyayaring hindi maganda kay Alfie kaya't tinawag nya ang iba nyang mga kasama. Habang tumatakbo sila ay isang bagay lamang ang ipinagtataka ni Julian. Bakit parang kabisado na ni Jessica yung daan at hindi na sya nagdadalawang isip kung nasaan ang tamang direksyon?

5 minutes past....

Magkakasama sina Candice, Joanna at Nico na pabalik ng sala at habang papabalik sila ay may naririnig sila na parang nagsisigawan at alam nilang ito ay ang kanilang mga classmate. Agad na naalarma ang tatlo at hinanap kung nasaang lokasyon ang mga kasama nila. Hanggang sa natagpuan nila ang mga ito na nagkukumpulan sa harap ng isang pinto. Nakikita pa nilang sabay na binubunggo ni Justin at Randy ang pintuan, habang sumisigaw naman ang iba ng pangalan ni Alfie. Tumakbo ang tatlo papalapit sa iba.

NICO: Anong nangyayari dito?

Bungad nito sa kanila.

JESSICA: K-kuya, si Alfie kasi.. ayaw nyang lumabas. Nasa loob sya ng kwarto na yan.

Nang sabihin niya ito ay agad din silang nakaramdam ng panic at pag-aalala kay Alfie. Hinawi ni Nico si Randy at Justin sa pintuan at kanya rin itong binunggo.

NICO: Alfiee!! Ano bang ginagawa mo dyan sa loob?!! Lumabas ka dyan!!

Nakasandal lamang sa pinto si Alfie at umiiyak.

ALFIE: Hindi na!! Ayokong lumabas, tanggapin na nating lahat na mamamatay din tayo dito!

JOANNA: Ano ka ba! Para kang tanga! Sumusuko ka na agad?!

ALFIE: Wala na namang ibang paraan e! Tsaka yung mga nangyayari sa'tin ngayon, bayad to sa mga buhay na kinuha natin!

Sigaw nya at natahimik ang lahat.

NICO: Ano bang sinasabi mo.

Naluluhang bigkas ni Nico.

NICO: May paraan pa, wag ka lang sumuko. Lumabas ka na dyan please!

ALFIE: Sorry guys, pero desidido na ako. Alam kong katangahan tong ginagawa ko pero hindi ko na rin kaya yung bigat na nararamdaman ko sa tuwing magkakasama tayo. Sorry guys.

Nanghina ang lahat sa mga sinabi ni Alfie. Dahil alam nila sa sarili nila na ganun din ang nararamdaman nila.

MARICAR: Pero, aksidente yun, Alfie.

Hindi na umimik si Alfie.

HIKO: Guys, Nine minutes to go before the next game starts.

Paalala ni Hiko sa kanila. Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa LED clock na nasa taas ng pintuan.

NICO: Alfie, please!

Muling pagmamakaawa ni Nico. Hinintay nila ang sagot ni Alfie, ngunit hindi na ito nagsalita.

NICO: Alfie, you still have Eight minutes to decide whats right. Hihintayin ka namin sa sala.

Malungkot na bigkas ni Nico at matamlay na bumalik sa sala.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now