One Place
One Night
Thirteen Lives
Who Will Survive?
The Game Maker
Chapter Six:
JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 11:47PM
Napatingin silang lahat sa LED clock, tama si Kyla, malapit na ang unang laro. Nakaramdam ang lahat ng takot at kaba.
HIKO: Kailangan na nating bumalik sa bulwagan.
Sabay sabay silang nagtungo pabalii sa bulwagan.
JUSTIN: Naniniwala pa rin ba kayo sa Game Maker na yun?
MARICAR: Maganda na yung sigurado.
Sagot ni Maricar. Ilang saglit pa ay nakarating din silang lahat sa bulwagan o sala. Wala silang nakitang nagbago o kaya naman kung anong kahina-hinala sa bulwagan. Ang kasalukuyang oras ay 11:51PM.
NICO: Ano na? Wala naman ata e.
CANDICE: Maaga pa kasi, ang sabi ng Game Maker alas dose magsisimula.
Nakatayo lamang sila at naghihintay sa kung ano man ang mangyayari. Maya maya pa ay muli na naman nilang narinig ang boses ng Game Maker.
GAME MAKER: Welcome! Malapit nang magsimula ang unang laro.
RANDY: So, hindi talaga sya nagbibiro.
Naiinis silang lahat na pinapakinggan ang boses ng Game Maker.
GAME MAKER: Excited na ba kayo? Kasi ako, excited na. Sigurado akong mag-eenjoy kayo sa laro natin.
Maya maya pa ay bigla silang naalarma ng biglas bumukas ang pader kung saan nakaturo ang west ng compass. Tumaas ang pader at bumungad sa kanila ang labing tatlong cubicle na gawa sa salamin, para itong mga payphone na makikita sa kalsada at sa itaas na bahagi ng bawat cubicle ay may mga nakaukit na pangalan, hindi nila alam kung para saan ang mga ito.
GAME MAKER: Nasorpresa ba kayo? Haha!
RANDY: Ano bang kalokohan 'to?!!
Sigaw ni Randy, ngunit hindi sya nito sinagot.
GAMER MAKER: Gagamitin natin yan sa ating laro, papasok kayo sa loob ng mga cubicle na yan gamit ang mga susi na ginamit nyo para makawala kayo. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para buksan nyo ang kanya kanya nyong mga cubicle bago ito kusang magsara. Sorry na lang sa maiiwan sa labas kaya kung ako sa inyo, bibilisan ko. Walang mandadaya ha, Time starts now!
Agad na nakaramdam ng panic ang lahat.
JERRY: Yung mga susi? Nasan yung mga susi?!
Tanong nya sa kanyang mga kasama.
ALFIE: Nasa akin.
Inilabas ni Alfie lahat ng susing nasa kanya at saka naman sya dinumog ng kanyang mga kaklase. Ang ibang susi ay nagsilaglagan na.
JERRY: Uy! Teka saglit!
Sigaw ni Jerry, napahinto ang lahat sa kanilang kaguluhan.
JERRY: Walang madudulot na mabuti yang ginagawa nyo. Bakit kailangan nyong mag agawan? May palatandaan ba kayo sa mga susi nyo? Lalo tayong maiiwan nyan dito sa labas.
Napahinto sila dahil sa mga sinabi ni Jerry at napagtanto na tama nga siya. Samantala, nabuksan na nina Justin at Hiko ang kanilang mga cubicle dahil nasa kanila na ang mga susi nila.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
