One Place
One Night
Thirteen Lives
Who Will Survive?
The Game Maker
Chapter Nine:
JUNE 04, 2013.
TUESDAY 11:35AM
Napahinto ang lahat ng may marinig silang kumatok sa pinto.
RANDY: Hiko, baka parents mo yang kumakatok.
HIKO: Imposible, mamayang gabi pa ang uwi nila.
Tumayo si Hiko at pumunta sa pinto upang buksan ito.
JOANNA: Baka naman si Kyla na yan.
Binuksan ni Hiko ang pinto habang sinisilip naman nina Joanna kung sino ang kumakatok. Narinig nila ang boses ni Kyla.
JOANNA: Sabi sa inyo si Kyla yan e.
Nagtaka sila dahil nasa pinto pa rin ang dalawa, mag-kaakap kahit na hindi magkarelasyon at umiiyak? Nagkatinginan silang lahat na nasa sala.
KATHLEEN: Umiiyak si Kyla?
Agad na nagsitayuan ang lahat at nilapitan ang dalawa sa pinto. Nakita nilang humahagulgol si Kyla at pinapakalma naman ito ni Hiko.
Si Kyla Vistal, ang pinakamahiyain at mahina ang loob, nerbyosa pero isa syang magaling na tagapayo sa lahat. Sya ang tinuturing na mature kapag nag-isip.
KATHLEEN: Anong nangyari? Bakit ka umiiyak Kyla?
KYLA: Na- na-natatakot na ako.
Bigkas ni Kyla at lumipat syang pag-akap kay Kathleen.
JOANNA: Bakit? Ano bang nangyari?
KYLA: Si Norman, meron syang- meron syang-
JULIAN: Teka, kumalma ka muna. Dun tayo sa sala.
Inalalayan nila si Kyla papuntang sala, patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
RANDY: Alfie, kumuha ka ng tubig.
Utos ni Randy, agad namang nagtungo sa kusina si Alfie at kumuha ng tubig. Bumalik sya at ipinainom si Kyla at unti-unti itong nahimasmasan.
JULIAN: Ano bang nangyari?
RANDY: Oo nga, tapos anong meron kay Norman?
Huminga ng malalim si Kyla bago ito magkwento, ngunit hindi pa rin nawawala ang pagluha niya.
KYLA: S-si Norman, nakatanggap sya ng text messages.
HIKO: Text messages?
KYLA: Oo, mga text messages, mga text messages tungkol sa'ten.
Nabigla ang lahat sa mga sinabi ni Kyla.
CANDICE: Anong ibig mong sabihing tungkol sa'ten?
KYLA: Doon sa text message na yun, nakalagay lahat ng pangalan natin.
RANDY: Teka, nalilito kami. Nandun yung pangalan natin and so what?! Kanino ba galing yung text?
KYLA: Unknown number.
Gulat ang lahat sa sagot ni Kyla.
RANDY: Unknown number?
KATHLEEN: Kyla, huminga ka ulit ng malalim para maipalawanag mo ng maayos. Anong unknown number yung sinasabi mo?
Humingang muli ng malalim si Kyla, saka nya ipinaliwanag at ikinwento ang lahat. Pagkatapos nyang magkwento ay halo-halong reaksyon ang nakita nya sa mga mukha ng kanyang kasama. Mayroong nalulungkot, natatakot, kinakabahan at nagtataka.
BINABASA MO ANG
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
