Dice Game - PART XIX

48 3 0
                                        

One Place

One Night

Thirteen Lives

Who Will Survive?

The Game Maker

Chapter Nineteen:

JUNE 29, 2013.
SATURDAY 02:42AM

Tulog ang lahat sa mga guest room nila. Habang mahimbing ang tulog ng iba ay naalipungatan naman si Joanna kaya't naisipan nya munang magpunta sa restroom.

Sa kanyang pagpunta sa restroom ay mayroon syang narinig na boses na nanggagaling sa kusina. Imbes na pumunta ng kusina ay naintriga sya kung sino yung taong nasa kusina at nagsasalitang mag-isa. Sumilip sya sa kusina at doon nya nakita si Maricar na mayroong kausap sa phone.

MARICAR: ... Wag ka ngang paranoid, hindi naman nila nahahalata e ... Wala si Candice ngayon dito, sya lang sa tropa yung hindi sumama dito ... Basta, sumunod ka na lang sa plano ...

JOANNA: Maricar?!

Napalingon si Maricar at nagulat sya ng makita nya si Joanna. Agad nyang pinatay ang phone.

MARICAR: J-Joanna?! Anong ginagawa mo dito?

JOANNA: Pupunta sana ako ng CR, e ikaw, anong ginagawa mo dito?

MARICAR: Ahh.. Umm..

JOANNA: At saka sino yung kausap mo sa phone?

MARICAR: Ah, si Roland lang yun. Nangangamusta lang sa project natin kung maayos daw ba nating nagawa hehe.

JOANNA: Seryoso, si Roland yun? Gising pa sya ng ganitong oras?

MARICAR: Oo! Nag-overnight din yung grupo nila kasama yung grupo nila Ian sa bahay nila.

JOANNA: Ganun?..

Tumango-tango na lamang si Maricar sa kanya.

JOANNA: Ok, sige punta lang ako ng CR.

Umalis ng kusina si Joanna at nagtungo papunta sa CR. Nakahinga naman ng malalim si Maricar dahil muli na naman syang nakalusot.

JULY 16, 2013.
TUESDAY 12:18PM

Regular school days at lunch break nila sa mga oras na ito. Isang buwan na rin ang lumipas simula ng plinano nila ang pangbi-brainwash sa mga sarili nila, nalagpasan din nila ang mga madudugong tanong ng mga classmate nila kung anong nangyari sa kanila sa Baguio at unti-unti nilang nararamdaman na umeepekto ang mga plano ni Jerry.

Magkakasamang kumakain ang mga magkakatropa at gaya ng nakasanayan, palaging magkakahiwalay na mesa ang kinauupuan nila. Magkakasama sa isang mesa sina Marco, Nico, Alfie, Justin, Maricar, Jessica, Joanna, Luisa at Candice. Habang sa kabilang mesa naman ay magkakasama sina Jerry, Randy, Kathleen, Kyla, Franklin, Karlene, Killian, Julian at Hiko.

Sa mesa nila Maricar. Habang kumakain ay nag-open ng topic si Alfie sa kanila.

ALFIE: Nagreview na ba kayo?

Tanong nito dahil next week na ang kanilang preliminary exam.

JUSTIN: Para sa exam? Sus! Next week pa naman yun. Relax ka lang muna.

ALFIE: Ok lang naman kasi sa inyo mag-relax kasi matatalino kayo.

NICO: Grabe ka kamo, masyado mong dina-down sarili mo. Wag ganun dre.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now