JESSICA : Isang susi na lang.
Bigkas ni Jessica, ang iba ay nawalan na ng pag-asa na bubukas pa ang mga pinto gamit ang mga susi na hawak nila. Ipinagpatuloy pa rin ni Alfie ang paggamit sa huling susi.
KYLA: Sana tumalab.
Hiling ni Kyla. Ipinihit ni Alfie ang susi ngunit hindi pa rin ito tumalab.
Nainis at nawalan sila ng pag-asa.
JERRY: Sigurado ba kayo na tama tong pinuntahan natin? Baka naman trap lang 'to.
Walang sumagot kay Jerry dahil napagtanto rin nila na baka tama nga siya. Tahimik ang lahat nang merong narinig si Maricar.
MARICAR: Guys, naririnig nyo yun?
JESSICA: Ang alin?
Agad na sinenyasan ni Maricar na tumahimik ang lahat. Nakinig sila ng maigi at di nagtagal ay narinig din nila ang tinutukoy ni Maricar.
KYLA: Baka mga holdaper.
Hinala ni Kyla. Kanilang naririnig ang mga yapak ng sapatos. Yapak na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nakita ni Nico ang mga kahoy sa paligid, sinenyasan nya ang lahat na dumampot ng isa. Itinapat nilang lahat ang mga flashlight sa pinto at tahimik na nakaabang sa pagbukas ng pinto.
Maya maya pa ay biglang gumalaw ang doorknob ng pinto na wari ba'y gusto itong buksan. Nakaalerto ang lahat sa mga mangyayari. Bumukas ang pinto ng tuluyan, kanila na sanang pupukpukin ng kahoy ang taong pumasok sa loob ng bigla silang pinatigil ni Nico.
NICO: Saglit!!!
Huminto ang lahat. Samantala nakatakip ng mukha ang taong kanila sanang sasaktan upang protektahan ang sarili at dahil na rin sa liwanag na sanhi ng mga flashlight. Ipinahinto sila ni Nico dahil kanyang namukhaan ito.
NICO: Justin?!
Nabigla ang lahat ng marinig nila ito, ibinaba nila ng dahan dahan ang mga flashlight na nakatapat sa kanya. Laking gulat nila nang makitang si Justin nga ang taong iyon. Nakaramdam sila ng tuwa dahil hindi nila naituloy ang pananakit dito.
JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 10:31PM
Nagising si Justin Castillo sa isang silid, nakahiga siya sa isang kama. Si Justin ay isa din sa matatalinong estudyante ng seksyon nila, magaling sya sa lahat ng workshop at paggawa ng mga bagay-bagay lalo na sa paggawa ng mga project. Isa rin si Justin sa tatlong moody ng seksyon
Napansin niya na hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Bumangon syang kaagad. Bukas ang pinto ng silid, nakita nya ang flashlight na nakapatong sa isang tokador. Umalis sya ng kama at nagtungo sa tokador upang kunin ang flashlight.
Nagulat sya sa kanyang nakita dahil maliban sa flashlight ay naroon din ang isang litrato na pamilyar sa kanya at isang susi. Labing tatlong mukha ang nakangiti sa litrato. Ang litrato ay kuha pa noong nasa Baguio sila, agad syang nakaramdam ng takot at kaba. Kanyang ipinagtataka kung paano napunta ang litrato sa lugar na ito. Dahil sa flashlight meron syang nakikitang mga anino ng letra sa litrato, binaligtad nya ito at kanyang nabasa ang nakasulat.
Save Your Friends #66
Keep the key
Lumabas sya ng silid upang iligtas ang kanyang mga classmate, dahil base sa litrato ay nasa panganib ang mga ito.
Paglabas nya ay nakita nyang puro silid ang nasa paligid at sa bawat itaas ng pinto ay mayroong LED clock. Bawat pinto ay may kanya kanya ring numero, naisip nya na kanyang makikita sa silid na may numerong 66 ang kanyang mga kaibigan. Ngunit habang naglalakad sya ay napansin niyang hindi magkakasunod ang mga numero sa pinto. 25..68..109..35... Naisip nya na hindi magiging madali para sa kanya ang paghahanap sa silid na may numerong 66.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART III
Start from the beginning
