Dice Game - PART III

Magsimula sa umpisa
                                        

Nilapitan nila ang kanilang mga classmate na nagkukumpulan sa isang silid.

JOANNA: Anong meron?

RANDY: Tignan nyo yung nabuksan ni Candice na pinto.

Sumilip ang tatlo at nakita ang isa pang pinto na may nakasulat na malaking kulay pulang "HERE!".

MARICAR: Baka yan na yung daan palabas.

JULIAN: Baka nga, pero pa'no natin bubuksan yan.

RANDY: Tinatanong pa ba yan. Edi, pilitin natin. Alfie, Nico, Julian at Jerry. Babanggain natin tong pinto hanggang sa masira.

Agad na sumang ayon ang tatlo maliban lang kay Jerry na napipilitan lamang na sumunod.

Binangga nila ng paulit-ulit ang pinto ngunit hindi pa rin ito bumubukas o nagpapahiwatig ng pagkasira. Nagsalit salit sila ng pagbangga ngunit nauubos na rin ang kanilang lakas. Hanggang sa may napansin si Kyla sa ibabang bahagi ng pinto.

KYLA: Guys, saglit!!

Bigkas ni Kyla, huminto si Alfie, ang kasaluluyang bumabangga sa pinto. Napatingin ang lahat kay Kyla at nakita nilang may tinititigan ito.

KATHLEEN: Bakit, Kyla?

KYLA: Tignan nyo.

Itinuro nya ang nasa ibabang bahagi ng pinto. Lumingon ang lahat sa direksyong iyon at nakita nila ang bagay na hindi nila napansin kanina. Isang Keyhole. Nagtaka sila dahil bakit sa ibaba nakalagay ang keyhole? Agad na naisip ni Alfie ang dahilan kung bakit merong papel sa garapon na may nakasulat na "Keep The Keys"

ALFIE: Alam ko na, yung mga susi. Nico, nasan yung mga susi na nakuha nyo.

NICO: Huh? Na kay Kyla.

ALFIE: Kyla, akin na.

Kinuha ni Kyla sa kanyang bulsa ang mga susi at iniabot ito kay Alfie. Agad na lumuhod si Alfie upang subukan ang mga susi sa keyhole na nasa ibaba. Ginamit nya ang mga susi, ngunit mukhang hindi rin ito tumatalab. Pitong susi na ang nagagamit nya sa labing isang susi ngunit wala pa ring makabukas sa pinto.

CANDICE: Sa tingin mo, para dyan ba talaga yung mga susi na yan?

ALFIE: Subukan lang natin.

Tatlong susi na lamang ang hindi nagagamit ni Alfie at hindi pa rin bumubukas ang pinto. Nawawalan na ng pag- asa ang iba. Nang sinubukan ni Alfie ang ikasyam na susi ay saka tumunog ang keyhole at bumukas ang pinto. Laking tuwa ang kanilang naramdaman. Ngunit isang bagay ang kanilang ipinagtataka ng makita nila ang laman ng pinto. Isang hagdan pababa.

JESSICA: Teka, akala ko ba nasa underground na tayo? Bakit hagdan pababa?

NICO: Ewan, pero kailangan nating malaman kung yan ba yung daan palabas. Tara...

Naunang bumaba ng hagdan si Nico at Alfie. Pagkababa nila kanilang nakita ang buong paligid. Isa lamang din itong silid. Tinawag nila ang iba upang bumaba at sumunod naman ang mga ito. Pagtuntong nila sa ibaba ay agad nilang napansin ang isang pintong nakasara. Nakaramdam sila ng pagkadismaya.

JOANNA: Walang daan palabas.

ALFIE: Pero meron tayong mga susi.

Paalala ni Alfie. Lumapit sya sa pinto at muling ginamit ang mga susi habang ang iba naman ay umaasa na tatalab ang mga susi sa pinto. Siyam na susi na ang kanilang nagagamit at hindi pa rin ang pinto. Dalawang susi na lang ang hindi pa nagagamit. Ginamit nya ang isang susi habang ang iba ay nakatuon at umaasa na isa sa dalawang susi ang magbubukas sa pinto. Ipinihit ni Alfie ang susi sa door knob ngunit hindi ito bumukas.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon