Dice Game - PART III

Magsimula sa umpisa
                                        

ALFIE: Wag mo muna isipin yan, subukan muna natin.

Ipinatong ni Nico ang kamay nito sa balikat ni Candice at sya ay nabigla.

NICO: Wag ka mawalan ng pag-asa. Makikita din natin yung hinahanap natin.

Pumanatag ang loob ni Candice sa ginawa ni Nico. Laging gumagaan ang kanyang pakiramdam sa tuwing kinakausap sya nito o kahit pa inaasar.

RANDY: Ok, ganun pa rin ang hati ng grupo. Bubuksan natin lahat ng pinto sa lugar na 'to. Kapag may nakita na kayong hagdan pataas, tawagin nyo lahat. Ok?

Sumang ayon ang lahat sa plano ni Randy, maliban lamang kay Jerry.

Naghiwa hiwalay silang muli upang ipagpatuloy ang ginagawa nina Jessica kanina. Samantala, habang kumikilos na ang iba. Pinipilit naman ni Kyla na tumulong na rin sa paghahanap si Jerry.

KYLA: Huy! Tara na Jerry! Tumulong na tayo, malay mo tama nga sila. Meron na tayong pag-asang makalabas dito.

JERRY: Pero hindi naman tayo sigurado.

KYLA: Subukan lang natin, hindi rin naman tayo dito makakalabas kung wala tayong ibang gagawin. Kaya tara na, please?!

Hinila ni Kyla ang braso ni Jerry upang pilitin ito. Napangiti si Jerry dahil sa kakulitan ni Kyla, hindi rin nagtagal ay nakumbinsi rin si Jerry.

Maraming pinto na ang nabubuksan nina Alfie at Maricar ngunit ganun pa rin ang kanilang nakikita, mga pangkaraniwang silid na mayroong mga kama.

MARICAR: Sa tingin mo, tatalab tong ginagawa natin?

ALFIE: Subukan lang natin, malay mo nga tumalab.

Sa kabilang banda naman ay magkasama sina Julian at Candice sa pagbubukas ng pinto. Napansin ni Candice na tahimik at matamlay si Julian.

CANDICE: Ayos ka lang ba?

JULIAN: Huh?...aa..um oo, ayos lang ako. Bakit?

CANDICE: Wala lang, napansin ko lang kasi na kanina ka pa tahimik.

JULIAN: Aa.. Sus, wala lang 'to.

Hindi na kinumbinsi pa ni Candice si Julian pero alam nyang may iniisip itong problema.

CANDICE: Aa.. Ok!

Nagpatuloy sila sa pagbubukas ng mga pinto. Hanggang sa isang pinto ang nabuksan ni Candice at tinawag nya si Julian na abala sa pagbubukas ng pinto.

CANDICE: Julian?

Lumingon si Julian at nakita nya si Candice na nakatulala sa nakabukas na pinto. Nilapitan nya ito.

JULIAN: Bakit, ano yu--?

Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil nakita nya na rin ang ibig sabihin ni Candice.

CANDICE: Sa tingin ko kailangan mo na silang tawagin.

Agad na tumakbo si Julian at hinanap ang iba.

Matiyagang naghahanap at nagbubukas sina Joanna, Jessica at Nico ng mga pinto nang biglang dumating si Julian at hingal na hingal.

NICO: Oh, Julian. Ikaw pala yan.

JOANNA: Bakit ka nandito? May nakita na ba kayo?

JULIAN: Hi-hindi pa,... Pero,... Merong nabuksan si.... si Candice.

JESSICA: Ano?!

JULIAN: Basta, sumunod na lang kayo... Tara, bilis!!

Agad na tumakbo si Julian at sumunod naman ang tatlo. Pagkarating nila sa lugar na tinutukoy ni Julian ay nakita nilang tatlo na naroon na ang lahat maliban na lamang sa kanila. Siguro marahil naunang tinawag ni Julian ang iba bago sila, kaya rin siguro ito hingal na hingal.

The Game Maker: Dice GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon