Dice Game - PART III

Start from the beginning
                                        

Dumating si Alfie at Maricar.

ALFIE: Anong nangyayari dito? Bakit kayo sumisigaw?

CANDICE: Si Jerry kasi at Nico, muntik nang mag away dahil kay Joanna.

Mataray na pagkabigkas ni Candice, ngunit hindi nila pinansin iyon dahil palagi namang mataray mag salita ito at sanay na sila. Ngunit ang hindi alam ng iba ay naiinis ito kay Joanna.

MARICAR: Bakit, Joanna?

JOANNA: Aa.. Ano kasi..

NICO: Ayaw makinig sa kanya ni Jerry.

ALFIE: Anong "ayaw makinig"?

JERRY: Wala naman kasing kwenta yung ginagawa nyo e.

NICO: Hindi mo pa naman alam yung dahilan e. Tapos sasabihin mo walang kwenta agad.

KYLA: Tumigil nga kayo, ngayon pa kayo nag away e meron pa tayong mas mahalagang dapat na gawin.

Tumahimik ang dalawa.

MARICAR: Ok, Joanna. Anong bang nangyari?

JOANNA: Umm.. Ano kasi..

JESSICA: Gusto mo ako na lang mag kwento?

Tanong nya kay Joanna. Bago pa man makasagot si Joanna ay pinayagan na ito ni Maricar.

MARICAR: Sige, ikwento mo Jessica. Ano bang nangyari?

Ikinuwento ni Jessica ang lahat sa kanila, mula ng nakaisip si Joanna ng paraan hanggang sa dumating si Kyla at Jerry at nagsimulang nagkainitan ang dalawa.

KATHLEEN: Ano ba yung naisip mong plano Joanna?

JOANNA: Naisip ko na buksan namin lahat ng pinto dahil baka isa lang sa mga pinto na yan ang daan palabas.

JULIAN: Bakit? Pano mo naman nasabi na isa dyan ang daan palabas?

JOANNA: Dahil sa sinabi ni Nico. Nagkaroon ako ng hinala ng bigkasin ni Nico na baka nasa "basement" tayo.

RANDY: Basement?!

NICO: Napansin ko kasi at alam kong napansin nyo rin yun.

ALFIE: Ang alin??

NICO: Walang mga bintana sa paligid. Isa lang ang maaaring dahilan, maaaring nasa basement tayo.

JERRY: Ano naman ngayon kung nasa basement tayo?

Galit na bigkas ni Jerry.

JESSICA: Hindi mo pa rin ba nage- gets Jerry? Wala kang makikitang main door sa lugar na to. Kung nasa basement tayo, ibigsabihin nun hagdan pataas ang dapat na hinahanap natin. Kaya sinusubukan naming hanapin yun sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga pinto.

Napaisip ang lahat at ngayon lang nila ito napagtanto. Ganun din Jerry, nagkamali sya na hindi nya pinakinggan ang plano nina Joanna.

JOANNA: Tama, nagbabaka sakali kami na baka isa sa likod ng mga pinto na yan ang daan palabas.

RANDY: Oo nga 'no. May punto kayo, maaari ngang nasa basement tayo.

KYLA: Oo nga, dapat simulan na nating hanapin yung daan paakyat.

RANDY: Ok, gagawin natin yan. Hahatiin ulit natin ang grupo sa lima at bubuksan lahat ng pinto na nasa lugar na 'to.

CANDICE: Pa'no kapag hindi natin nakita yung hinahanap natin? Anong sunod na plano?

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now