Prologue

221 21 19
                                    

This story has alternating POV's... And grammatical errors, typo's, mispelled words at kung ano pang kamalian. For short, ako'y tao lamang. Haha. Anyway...

Malaking thank you sa mga bumasa at nagbigay suggestions sa aking story. 😊

Love yAh!!💋

******

PROLOGUE
ART
--2 years ago--

"Cheers insan, dahil sa wakas nagpatali ka na!" Kantiyaw ko sa groom at pinsan kong si Xander. Katatapos lang ng kasal niya at kasalukuyan kaming nasa reception. Ako kasi ang kinuha niyang bestman.

Ngumiti siya ng malapad at nakipag-umpugan sa hawak kong wine glass.

Inisang lagok ko naman ang laman ng sa akin.

"Salamat tol. You know I feel different. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito." Nagniningning ang mga mata niyang sabi.

I scoffed. I don't know why ipinagpalit niya ang mariwasang buhay ng pagiging malayang bachelor at mas ginustong magpasakal sa buhay pag-aasawa. Such foolish people na nagpapaniwala sa salitang pag-ibig when in fact it doesn't exist. Well not in my book at least.

"Yeah yeah... Sa simula lang yan. Pero magsasawa ka rin." I told him na ikinatawa niya.

"Alam mo nasasabi mo lang yan kasi you haven't meet your match yet." Ininom niya ang hawak niyang wine. "Ganyan-ganyan din ako dati eh, but look at me now. Si Selena na ngayon ang buhay ko."

Well magkaiba tayo.

"Hindi yun mangyayari sakin. I'm not into commitments and you know that."

He gave me a thoughtful look before shaking his head with a smile.

"Someday Art. Someday.."

---A year later---

"Ang cute-cute naman ng baby'ng toh!" I heard my mom cooed pagkapasok ko sa hospital room.

Kapapanganak lang ni Selena at nasa hospital ang lahat para i-celebrate ang pagdating ng baby sa mundo. I silently watch from the sidelines sa nangyayaring scenario sa harapan ko. Mukhang napakasaya ng lahat. Kahit si Xander na isang taon ang tanda sakin eh napansin kong parang maluluha habang nakayapos sa asawa niyang halatang medyo pagod pa galing kapapanganak. Huh. I've never seen this weak side of Xander. Parang ang weird lang na nakakamangha konti.

And I must admit na mukhang baliw na talaga 'tong pinsan ko kay Selena dahil sa loob ng isang taong pagsasama nila ay going strong pa rin silang dalawa.

"Art hijo, look!" Tawag ni mommy sa akin nang makita niya ako. "Napakaganda ni baby Therese. She's like a little angel.."

Lumapit ako kay mama, and true to her words, the baby is indeed beautiful. Tiny, pero may pinagmanahang itsura mula sa angkan ng mga Alarcon. I'm sure this little angel will have a lot of suitors paglaki na ikakaputi ng buhok ng pinsan ko.

"She's so cute hijo, don't you think?"

I nod as mom gave her to me. "Mas nagmana ata sa kagwapuhan ko kaysa sa ama niya."

"Shut up bro." Natatawang saway ni Xander. "Hindi ka paglilihian ng misis ko dahil baka pati ugali mo eh mamana."

"Gwapo naman." I smirk at him as I cradle the baby in my arms. She feels so small and fragile. "Hindi ba, baby? Di hamak na mas gwapo si Tito Art kesa kay daddy."

Transitory MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon