💍17

76 1 0
                                    

******
RAIN

"I thought you would be away until next month. Why are you back so soon, hijo?" Tanong ni dad Arturo ng maupo na ulit kaming apat sa mesa. And to say na hindi ako komportable sa pagkakatabi namin ni Art was a huge understatement. Hindi maganda ang dulot ng mainit niyang katawan na tila ramdam ko sa maikling pagitan namin.

"Don't worry dad. We are taking care of everything in France. But I've also been keeping my head straight of what mom said about me giving less attention to family. Besides, tinawagan ako ni Javier informing me about Alesh's graduation." Kaswal na kwento ni Art. Nabigla ako ng hawakan niya ang aking palad. "I realized namimiss ko na si Alesh, the reason why I want us to get married tomorrow."

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong juice. Mabilis ko siyang nilingon.

Bukas? As in bukas agad?! Nagbibiro ba siya?!

Tinangka kong kunin ang aking palad ngunit humigpit lang lalo ang kanyang hawak.

Tumingin sa amin ang mag-asawa na halatang nabigla rin.

"Hijo, don't you think tomorrow's a bit sudden?" Ani mommy Sylvia na concerned ang mukha. "Kararating mo lang and Alesh just had her graduation. Besides, how about the preparations? The invitations, the guests and-"

"We can have a small private wedding for now. Hindi na kailangan ng engrandeng kasal especially the media circus. Just us and our immediate relatives and friends. Isa pa, kapwa namin ayaw ni Alesh ang maraming tao."

Nanigas ako sa'king upuan. Huwag naman sanang pumayag ang mga magulang niya. Hindi pa ako handa na matali sa lalaking ito!

Tsaka ano bang pinagsasabi niya?! Kung makapagsalita parang we both want the same thing!

"But Iñigo..." Tila nag-aalangan pa rin ang kanyang mga magulang.

"I'll be leaving again and won't be back till next month kaya gusto ko bago ako umalis ay kasal na kami ni Alesh. I can even bring her with me for our honeymoon."

Napalunok ako sa narinig. Mukhang plinano na niya lahat. And honeymoon? Sheyt!

"Mahal, if they want to get married as soon as possible then why not let them?" Ani dad Arturo na gusto kong ika-iling ng todo. "Besides, Iñigo's right. Hindi pa sana'y si Alesh. I think it's better to give them a small private wedding para na rin sa ikapapanatag niya."

Tiningnan ko si mommy Sylvia with a pleading face. Pero mukhang namis-interpret ata niya ang pagmamakaawa ng aking mukha.

"Alright hijo. I can do a few quick calls for tomorrows preparation. It's going to be a small wedding but I'll make sure it will be memorable."

Tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga lamang-loob.

Lagot...

***

Pagkatapos ng dinner ay agad akong nagtungo sa likod ng mansion. Napahawak ako sa nananakit kong batok dahil sobrang hindi ako makahinga kanina sa loob habang kumakain kaming apat.

Kung di ba naman kasi sa biglang pagsulpot ng Art na 'yon at panghahalik ng walang paalam!

Damn him! Hanggang ngayon ayaw pa ring kumalma ng puso ko. I don't even wanna close my eyes dahil naaalala ko lang lalo kung gaano kalambot ang labi niya.

Transitory MarriageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora