💍24

24 1 0
                                    

***⚜***
RAIN

Kanina pa bumalik si Trisha sa set. Naiwan ako sa loob ng dressing room at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

I was wearing a white beach dress na off-shoulder at medyo kapit sa katawan pero may flowing na skirt. Pinaresan iyon ng puting bulaklak na inipit sa aking tenga. Parang Rosalinda lang ang dating teh? Pero in fairness, maganda!

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng dressing room. I need to find Art. Kailangan naming mag-usap!

Papunta ako sa set nang maabutan ko ang nagkukumpulang mga modelo sa unahan. Sinilip ko ang pinagkakaguluhan nila at parang namalikmata ako sa nakita.

On the center of the bright lights at paulit-ulit kinukunan ng camera ay naka-upo si Art. His face is neither smiling nor mad, but nonetheless napakagwapong tingnan ng bawat anggulo niya. His every move, every look is very magnetic, especially the way his grey eyes stares in front of the camera. Kahit hindi siya nag-e-effort at naka-upo lang don napakaganda ng labas ng kanyang mga kuha.

Iba ang dating niya sa mga napanood ko ng modelo, especially Leandre na lihim ko ring hinangaan dati. No wonder Trisha wanted him to do this. He is way too perfect!

Kung sabagay, ba't pa ba ako nagtataka. Unang beses ko pa nga lang siyang nakita hindi ba nga't para na siyang modelo ng men's magazine? Darn it. Nasaan ang hustisya?!

I look away. No. Hindi ako affected! Ang sarap niyang titigan oo, pero ayokong matulad rito sa mga katabi ko'ng nagfa-fan girl sa kanya! Eww, no!

Stop staring! Huwag kang titingin!

Pero sadyang traydor ang aking mga mata.

He was wearing a summer outfit. White pants, casual shoes and a button-down polo with leaf patterns na bahagyang bukas ang ilang butones sa may dibdib. Napalunok ako nong masilip ko ang loob no'n.

Mabilis ko'ng ipinilig ang aking ulo. Nag-init ang aking katawan nang maalala ang kanyang itsura without the shirt! Habangbuhay na ata iyong nakatatak sa aking memorya.

Stop it Alesh! I mentally slap my forehead. Padating na siguro dalaw ko kaya umaarangkada na naman ang aking sex hormones!

Muli kong nilingon si Art. Para akong kinuryente sa puso ng makitang sa'kin siya nakatingin. In that brief second ramdam kong nagwala ang buong cells ko sa katawan bago siya nag-iwas ng tingin at muling bumaling sa camera.

Sh¡t. Nag-collapse ata sandali ang baga ko.

I walk away. Mukhang hindi na maganda ang naidudulot ng hangin ng France sa katawan ko.

"There you are!" Biglang sulpot ni Trisha.

"Ha?"

"The two of you are next!" Matamis niyang sabi bago ako inikot pabalik sa set. Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. Syete! anong ibig niyang sabihin?!

Malakas na pumalakpak si Trisha na ikinalingon ng lahat.

"Everybody, we're down to the main subject! Let's begin Romance D'été!" she announced excitedly.

Don't tell me...

Daig ko pa ang magkaka-heart attack lalo na nong magkatinginan kami ni Art. His face was asking the same thing.

"Your partner is out, and Art is our main subject, but we can't do shots of him alone because this is summer romance. He needs to have a partner, at kita mo nga naman ang swerte. You just happened to be his wife!" sagot ni Trisha sa nagmental shock kong mukha.

Transitory MarriageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora