💍13

48 1 0
                                    

******
RAIN

"Ladies and gentlemen. The soon to be Mr. and Mrs. Art Iñiguez Alarcon."

Isang malakas na palakpakan ang bumaha sa paligid. Gustong umatras ng aking paa nang salubungin kami ng spotlight at tingin ng napakaraming tao sa ibaba. Parang hindi ako makahinga dahilan para mapakapit akong lalo sa braso ng napakagwapong nilalang sa aking tabi.  Art is leading us both pababa sa malaking hagdanan dahil mukhang binigyan kami ng grand entrance.

Sheet lang! Kulang na lang himatayin ako sa dami ng mga matang nakatingin sa'min!

Muntikan pa akong matapilok sa suot kong takong. Mabuti na lang at naging maagap si Art sa paghawak sa'king beywang. Talk about humiliation! Art gave me a sweet smile. Marahil dahil sa nakatinging madla pero pakiwari ko'y mas lalong nangatog ang tuhod ko sa kanyang ginawa.

A few more steps at tila nabunutan ako ng tinik ng tuluyan na kaming makababa. Grabe. Ngayon lang ata ako natakot bumaba ng hagdanan sa buong buhay ko. The people continued to cheer and clap around us at agad nagbigay daan ng tunguhin namin ni Art ang kinaroroonan ng mag-asawang Alarcon.

Nakakanerve-wrecking pala maging mayaman. Hindi ata ako masasanay sa ganitong buhay.

Muli ng nagpatuloy ang kasiyahan sa paligid.

"You look gorgeous, hija!" Agad na yakap sakin ng nakangiting si mommy Sylvia. Nasa tabi niya ang kanyang umaakit ng pansin na asawa at proud na nakangiting kinamayan ang anak. He also gave me a soft hug.

"Ma, Pa?" Gulat kong bulalas ng makita rin sa kanilang tabi ang aking mga magulang. Bihis na bihis din sila. Hindi ko napigilang sugurin ng yakap si mama ng makita ko ang naluluha niyang mga mata. Mahigpit din akong napayakap kay papa na halatang seryoso pero lumambot ang mga mata ng makita ako.

"You look beautiful, anak." Bulong ni papa sa'king tenga.

"Mr. Castelo." Dinig kong sabi ni Art kaya napilitan akong bumitaw kay papa. My father looked serious ng harapin ang blankong mukha ni Art.

Inilahad ni Art ang kanyang kamay. "I hope you will allow me to call you dad."

Huminga ng malalim si papa at sinulyapan ako bago atubiling kinamayan ang palad ni Art. Animo nag-uusap ang kanilang mga mata bago sumingit si dad Arturo.

"Please excuse us, son." Ani dad Arturo kay Art bago niya inakbayan si papa at magkasama silang umalis. Mukhang totoo ngang magkaibigang matalik ang dalawa.

Sinundan ko sila ng tingin. Sana naman walang banggitin si papa tungkol sa aming utang. Nilingon ko si Art at nakitang nilapitan na siya ng iba't-ibang malalaking bisita sa negosyo kaya lumayo na muna ako at naglakad-lakad sa paligid. Napansin ko ring pinagtitinginan ako ng ilang mga babaeng nandoon making me a bit insecure.

Siguro iniisip ng mga to kung anong nakita sa akin ni Art kaya ganoon na lang makahagod ng tingin.

"Now I know why he suddenly wants to get married." Anang boses sa aking likuran.

Lumingon ako and was surprised to meet a very attractive man. Tall at may magandang pangangatawan. Tila isang modelo rin ang isang 'to na maaari mong sabihing pinasabugan ng kagwapuhan ni Adan. Pero mas gwapo pa rin si Art.

Teka, sinabi ko ba talaga yun?!

"Ha?" ang maang kong naisagot na ikinangiti ng aking kaharap. Shems! Kahit ngiti niya nakakalaglag panga.

"Javier Marcus Alarcon." He extended his hand.

Alarcon? Isa rin siyang Alarcon? No wonder. Nasa lahi ata nila ang pagiging magagandang nilalang.

Transitory MarriageWhere stories live. Discover now