💍26

26 0 0
                                    

******
RAIN


Maagang umalis sila Trisha kinabukasan. Sobrang nalungkot ako sa ideyang matatagalan pa bago ko siya makita ulit kaya niyakap ko siya ng mahigpit bago ko siya hinayaang sumakay sa auto ni Javier.

Javier also gave me sa soft hug at bumulong pa ng good luck bago pumasok sa kanyang sasakyan. I watched as they leave, waving them goodbye habang nangingilid ang luha ko sa mata.

I am going to miss my best friend.

Sumisinghot akong napanguso sa sobrang lungkot nang biglang may pumaradang itim at magarang sasakyan sa tabi ko.

Takang binalingan ko iyon bago ko pinunasan ang nangilid kong luha.

Isang matangkad at maputing lalaki ang lumabas sa sasakyan na may suot na formal white polo at black blazer with matching itim na sun glasses sa mata. Napakapormal ng kanyang itsura na sa unang tingin mukha siyang galing ng 'Men in Black' movie. Di kaya ito naghahanap ng alien?

Lumingon siya sa paligid bago tumigil ang ulo sa gawi ko.

Nagmadali na lang akong umalis.

"Excuse me, madame."

Huminto ako sa paglakad. Ako ba'ng tinawag niya?

Sandali niya akong tiningnan from head to foot like he was examining me.

"My name is Dheeson Triverson of The Orient Resort and Casino. I am here to pick up someone."

Napakurap ako. Orient Resort?

"You mean 'yung pag-aari nong manhid na robot?!" Mura ko bago ko pa natakpan ang aking bunganga. Galit kasi ako dahil naaalala ko pa rin ang hindi niya pagpayag na sumama ako kay Trisha!

Pero okay lang, hindi naman ito nakaka-intindi ng tagalog.

"If by robot you mean my cousin, iyon nga. Ang I am guessing you're the wife? Pinapunta niya ako rito to escort you back to the Hotel."

Bumagsak ang aking bunganga.

Shìt! Marunong siyang magtagalog! With accent pa na parang nakakatunaw ng tenga.

Namula ang mukha ko sa hiya bago alinlangang tumawa. Parang gusto kong i-untog ang ulo ko sa pader.

Galing mo talaga Alesh! Sa dami ng tao sa mundo, pinili mo pa talagang madulas sa pinsan niya!

"Alesh Castelo... Alarcon." Alinlangan kong dugtong. Hindi pa kasi ako sanay sa bago kong apelyedo.

"Don't worry. I won't tell him." Pilyong ngiti ni Dheeson na malamang ay tinatawanan ang aking pagkapahiya.

Kinagat ko na lang ang aking mura bago nakayukong pumasok sa sasakyan nong pagbuksan niya ako ng pinto.

Tahimik ang sasakyan nong binaybay namin ang daan patungong hotel. Nagkasya akong panoorin ang mga magagandang tanawin sa labas ng bintana. I realized hindi ako masyadong nakagala at bigo akong libutin ang Paris. Sikat pa naman ang lugar na ito sa magagandang art. Pero okay na rin. At least naranasan kong makita at makatungtong sa napaka gandang bansa.

Huminto ang aming sasakyan nong mag-red light. Dumako ang paningin ko sa mga shop sa gilid ng kalsada na nagbebenta ng mga street food. Ito 'yong pinuntahan namin ni Trisha dati.

Sobrang sarap ng mga pagkain nila na makakalimutan mo ang pangalan mo.

Nakagat ko ang aking labi as I heard my stomach grumble.

Transitory MarriageWhere stories live. Discover now