💍4

139 10 6
                                    

******
RAIN

Nagmartsa ako papunta sa opisina ni papa. Pagkatapos kasi nong nangyari sa coffee shop at nong lalaking may saltik sa utak ay sumugod ako rito sa pinagtatrabahuan niyang malaking kompanya ng AGTC.

I demand an explanation.

"Kailangan nating mag-usap." sabay patong ko ng dalawa kong kamay sa mesa niya. Lumunok si papa at tumango, tila alam na ang aking pakay.

Sinenyasan niya akong sumunod, which I did at naglakad kami patungo sa isang silid na napag-alaman kong stock room ng kanilang opisina. Pero sosyal ang stock room nila rito kasi may maliit na sala at gawaan ng kape na may mga tasa. Parang lounging area pa nga kung maituturing maliban sa mga shelves at cabinet sa mga dingding na may lamang puro folders at papel.

Wala ring tao.

"Gusto mo ng kape?"

"Hindi po kape ang ipinunta ko rito." Sarkastiko kong sagot. Nasa loob na kami ng stock room at isinara rin niya ang pinto.

Probably para masigurong walang makakarinig sa pag-uusapan namin.

"Ang gusto ko lang po ay ang malaman ang tungkol dito." Inihagis ko sa coffee table ang itim na folder. It was his bank statements at mukhang alam na niya iyon base sa pagkakabagsak ng kanyang mukha.

He sighed. "Kinausap ka niya."

Natameme ako.

Medyo nagulat ako sa ideya na alam niya. Siguro after everything, part of me is still hoping na hindi totoo ang lahat ng sinabi ng Alarcon na yun or kung sino man siyang poncio pilato. Na tatawanan lang ako ni papa at sasabihing nababaliw na ako.

"Hindi ko inasahan na gagawin niya to." Ani papa bago hinilamos ang mga kamay niya sa kanyang mukha.

"At hindi ko rin inasahan na itatago mo sa'kin to." Napakurap-kurap ako para pigilan ang pag-iyak. "Bakit kayo naglihim sakin ni mama?"

"Anak, maniwala ka sakin. Hindi ko ginusto ang maglihim. Iniisip ko lang kayo ng mama mo non kaya hindi ko nasabi."

Napalunok ako sa narinig. Alam ko naman yun. Damnit, kinailangan ko pa talagang itanong! I am not blaming him. It was not his fault! Naiinis lang talaga ako. Sobrang naiinis ako sa sitwasyon!

"Gusto niya ng kasal." Sumbong ko. "And the nerve, tinakot niya pa talaga ako na he will ruin you dahil boss mo siya!"

Yumuko siya bago mahinang tumango.

"Kaya niyang kunin sa'tin ang lahat."

I stare at him, tila nanginginig ang laman ko sa pinaghalong panlulumo at galit.

"Sinasabi nyo ba sa'king pumapayag kayo?"

"Anak, nagulat ako nong hiningi ka niya sa'kin pero hindi ko naman talaga intensyon ang pumayag! Kahit na gumapang tayo sa hirap hinding-hindi kita ipagpapalit sa pera at alam mo yan. Sinabi ko iyon sa kanya para mabigyan niya pa ako ng konting panahon pero huwag kang mag-alala. Hahanapan ko ito ng solusyon." Determinado niyang sabi na hinawakan ang aking  mga balikat.

Transitory MarriageWhere stories live. Discover now