💍8

58 1 0
                                    

******
RAIN

"Iñigo! At last you're here!" Bungad sa'min ng isang napakagandang babae. Sandaling lumayo sa'kin si Art para salubungin ito ng yakap sabay halik sa pisngi.

"How was your trip ma? I hope you're not suffering a jetlag." Wika ni Art. Pero hindi siya sinagot ng babae.

Kinabahan ako ng mapako sa'kin ang paningin ng mama ni Art. Bakas sa mukha nito ang gulat.

"G-Good evening po ma'am..." Maliit ko'ng bati.

"Alesh, meet my mom, Mrs. Sylvia Alarcon. Ma, I would like you to mee-"

"You must be Amador and Cecil's daughter." Nagulat ako ng lumapit siya at biglang niyakap ako ng mahigpit. She was smiling broadly nang muli niyang tingnan ang aking mukha. Grabe, napakaganda niya kahit may edad na. "Alesh, right? Iñigo here told me about you already. Mabuti naman at nagkita na tayo sa wakas."

Ikwenento na pala ako ni Art at wala man lang siyang sinabi? No wonder he won't accept my no for an answer.

"I'm happy to finally meet you rin po ma'am."

"Mama." Pagtatama niya. "Or you may call me mom, tutal magiging anak na rin kita. Right, hijo?" Bumaling siya kay Art na tahimik lang sa tabi.

"Yes ma." Sagot ni Art na for the first time ay nakita kong ngumiti sa kanyang ina.

"I've always known you'll be very pretty hija. Come, we have a lot of things to talk about." Nagpatianod ako ng hatakin ako ng mama ni Art papunta sa dining area kung saan nakita ko'ng may napakaraming nakahandang pagkain. Grabe, dinaig pa ang may fiesta!

"Maupo ka r'yan hija. Iñigo already asked the maids to prepare some food bago kami dumating pero hindi ko kasi alam kung ano gusto mo kainin kaya pinadagdagan ko na."

Napamaang ako sa narinig. Akala ko napakaintimidating ng mama ni Art sa personal pero nagkamali ako. Ang gaan ng presensya niya at napakabait.

"Ma, baka mamaya matakot mo itong fiancée ko. You have to forgive my mom sweetheart, ganyan lang talaga siya kapag masyadong natutuwa." Lapit ni Art sa'kin bago niya ako inalalayang makaupo.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa kanyang endearment.

"Ai naku, you have to get used to it hija. Kumain ka ng marami ngayong gabi ha."

"Good evening everyone." Biglang bati ng malalim na boses. Lumingon kaming lahat sa bagong dating habang hindi ko naman napigilang mamangha.

"Dad." Salubong ni Art sa tila kakambal niyang ama. Yup. No doubt ama nga niya ito sa tindi ng kanilang pagkakahawig. Yun nga lang mas matanda na ang isa at kakikitaan na ng puting buhok. Gayon pa man, halata pa rin sa itsura nito ang kakisigan at kagandahang lalaki lalo na siguro nong kabataan. Siguro ganito rin kagwapo si Art kapag nagka-edad na?

Transitory MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon