💍15

56 2 0
                                    

A/N: What really happened.

******
RAIN

Isang mainit na palad ang humawak sa aking pisngi at inilayo ang aking paningin kay Oliver. Kusa kong nilingon ang may-ari non which was the biggest mistake that I did.

Dahil imbes sa pisngi, lumuwa ang aking mata when his kiss landed on my lips.

Agad akong nanigas.

Lumikot ang ulo kong lumayo ngunit mabilis na tinungo ng kamay ni Art ang aking batok forcing me to keep still.

My arms went limp.

Utak ko nagshut-down. Puso ko nagwawala...

My first kiss...

He stole my first kiss!!

Everything happened so fast ngunit tila bumagal din ang oras.

Nanlalamig ang buo kong katawan as my senses started to register his soft lips on mine.

He eventually ended the kiss ng magpalakpakan ang mga tao. Animo nakakita ng napakagandang palabas.

My mind wanted to scream...

My eyes started to water...

Napayuko ako as Art bid goodbye to the crowd at iginiya kami palabas sa lugar.

Sinalubong kami ng aming mga magulang pero mabilis ding nagpaalam sa kanila si Art. The guy is a smooth talker na hindi man lang nila napansin na wala na ako sa mood.

Lumabas kami ng banquet hall. Napagtanto kong wala ng tao sa bahaging iyon ng mansion kaya mabilis akong lumakad palayo. Kabisado ko ang daan papunta sa kaninang pinasukan namin ni Trisha.

"Castelo." Tawag niyang nakasunod pero hindi ko siya pinansin.

I really wanted to yell! To throw my shoes at him! Ninakaw niya ang first kiss ko! Gusto kong magalit! Gusto kong magwala!

Shallow I know, but to me that kiss was important. Sagrado yun sakin! Para sana iyon sa unang taong mamahalin ko and frankly he's not that person!

He is the villain to my life's story!

Malas ko lang at nagkatotoo nga ang panaginip ko!

Ngayon pati chance ko of finding true love ay nanganganib ng dahil sa kanya!

Marahil iniisip nilang lahat na napakaswerte ko. Well reality check, they're all wrong! Input sarcastic laugh.

"Castelo." Nakasunod pa rin pala ang bruho.

"Uuwi na ko!"

"I'll take you home." Sagot niyang nakabuntot pa rin.

"Uuwi akong mag-isa so stop following me!" I yell at him.

Bigla niya akong pinigilan sa braso kaya awtomatikong umalpas ang galit ko.

I slap him on the face. Hard.

Transitory MarriageWhere stories live. Discover now