💍10

75 1 0
                                    

******
RAIN

"I'm sorry na..." Pakiusap ko na nakapraying position pa ang kamay sa harapan ng nakasimangot na si Trisha.

Nandito kami ngayon sa locker room dahil katatapos lang ng aming field painting session at nagbibihis na kami. Hindi pa rin ako kinikibo ni Trisha pagkatapos nong biglaan kong pang-iiwan sa kanya nong isang araw.

Pinaikot ni Trisha ang kanyang mata bago nakapameywang akong hinarap.

"Alam mo ang clueless mo. Iyong details lang naman hinihintay ko eh. Kahit hindi ka na magsorry. Solve na!" Taray niyang sabi pagkatapos ay biglang ngumiti ng malapad. "So ano?! Spill! Saan kayo nagpunta kahapon?!"

Pinilit ko nalang ngumiti.

"Wala naman. Nagkape lang kami at pinag-usapan 'yong tungkol sa kasal." Sabi kong pinagpatuloy ulit ang pagbibihis.

"Ai naku, hindi ka lang clueless kundi barat pa sa details. Bakit pa nga ba ako nagtanong." Tampo niya.

Napabuga na lang ako ng hangin kapagkuway may naisip.

"Siyanga pala, ikaw magiging MOH ko ha..."

Biglang nagliwanag ang mukha niya.

"Talaga?! Oh em geee! Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito?!"

"Uh... Na magiging assistant ka sa bitay ko?"

Umikot ulit ang mata ni Trisha.

"Duh! Na magiging maid of honor ako sa gaganaping wedding of the year!"

Wedding of the.... ??

"Ano?"

"Siguradong magkakagulo ang mga fans at followers ko sa Twitter at IG. " aniyang pumipilantik ang mga kamay. "The fashion princess as the maid of honor. I'm sure my parents will be thrilled to see me sa kasal na pagkakaguluhan ng maraming media at business personalities!" Nangangarap niyang sabi na may kasama pang palakpak. "This is the very exposure that I need!"

Napakurap ako sa narinig.

"Huh?"

"Alesh my dear BFF, who is as clueless as ever, remember when I said a lot of girls will do anything to be in your shoes?" Wika niyang hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Tumango ako na parang grade one na kinakausap ng teacher.

"Dahil magiging asawa mo ang nag-iisang napaka-hot at napakayaman na si Art Iniguez Alarcon!" kinikilig niyang tili habang nanatili akong parang tangang nakatingin pa rin sa kanya.

Transitory MarriageWhere stories live. Discover now