💍20

69 2 0
                                    

******
RAIN

Tinungo ni Leandre ang nakaparandang pulang mid-size car sa tapat ng studio at binuksan ang pinto ng front seat.

"Hop in."

Sasakay kami ng auto? Akala ko ba malapit lang yung sinasabi niyang coffee shop?

Naramdaman ko ang paggapang ng lamig sa aking likod.

"Why don't we take a walk, instead? The weather looks nice." Kaila kong nginitian siya. I don't know why, pero hindi ata ako komportable sa ideyang sumakay sa auto niya.

"Don't you trust me?" Tumaas ang isa niyang kilay.

Patay mukhang mind reader ata ang isang 'to. Lihim kong nakagat ang loob ng aking labi. Huli na rin ata kung tumanggi pa akong sumama.

"I promise I'm harmless." He smiled reassuringly na nagpatingkad sa kanyang mga mata. "I'll treat you to one of the best coffee in France."

I silently groan. Nakakaguilty namang tanggihan ang mga blue eyes niya. Langya. Bakit ba parang infatuated ako sa mga mata niya?

I sighed. Masyado lang siguro akong praning. Modelo siya ni Trisha at mukha namang desente. Magandang lalaki rin kaya hindi na siguro niya ako pag-aaksayahang kausapin kung hindi naman importante?

Tsaka kaya siguro ayaw niyang maglakad kami ay baka dahil pagkaguluhan siya ng madla?

Pumasok ako sa kanyang auto.

"Okay. Where 'to?" Tanong ko nong makaupo siya sa katabi kong driver's seat.

"To one of my favorite place. I'm sure you will like it." Ngiti niyang malapad bago pinaandar ang sasakyan.

•••

ART

"Congratulations."

Nag-angat ako ng tingin sa pagpasok ni Dheeson sa aking opisina. Lumapit siya sa aking mesa at iniabot sakin ang isang folder na tahimik kong tinanggap.

"It's the petition. They've seen and learned about everything and came up with a unanimous decision. All that's left is your go signal."

Sandali kong binuksan ang folder at binasa ang mga nakasulat na record ng mga palihim na money transactions. Recently, napag-alaman namin na may nangyayaring maanumalyang pagkawala ng malaking pera mula sa aming negosyo kaya naman napilitan akong lumuwas agad rito sa France para lihim iyong imbestigahan.

And we found the culprit that was secretly sabotaging us. Isang taong akala namin ay aming kaalyansa iyon pala ay kasabwat ng aming pinakamatinding kakompetensiya sa negosyo. I flip on the last few pages ang saw the petition letter signed by all the stockholders of our company.

"He obviously didn't see this coming. Sigurado akong magsisisi 'yon na he underestimated you." Panigurado niyang wika.

"I want you to take care of it." Nagulat siya sa aking sinabi.

Dheeson Triverson is the current chief executive ng aming Hotel and Casino Resort rito sa France. Kanang kamay ko siya dahil maliban sa pinsan ko siya kay mama, isa rin siya sa mga mapagkakatiwalaan ko sa'ming negosyo.

Transitory MarriageOnde as histórias ganham vida. Descobre agora