TEASER

376 20 13
                                    

Copyright ©
••All Rights Reserved••

🚫Say NO to Plagiarism🚫
(Please read the A/N at the end)
************

Sneak Peek:

Everything felt magical. Parang iyong buhay ng mga Disney princesses na pinapangarap magkaroon ng prince charming and in the end they all get their happy endings? Feeling ko I am living that dream.

May magarbong ball ngayon sa harapan ko, with pink and black balloons, scattered flower petals and a soft music. May sayawan. Tawanan. Idagdag pa that I am wearing a very beautiful cream colored silk laced gown. Oh di ba? Parang prinsessa talaga ang dating!

Sabi nila, ang buhay ko raw kakambal ng kay Cinderella. Isang pulubi na nakatagpo ng mayamang prinsipe. Kaso may mali sa version ng kwento ko. Sa sobrang mali eh sasakit na lang ang ulo mo sa pagkahilo.

Oo nga pala, ngayong gabi ang announcement ng bitay ko. Saan nanggaling iyong bitay? Engagement party daw kasi namin kuno nitong katabi kong mala-prince charming ang dating pero nakeh, kung alam nyo lang ang topak at bipolar nitong ugali.

Who am I referring to?

The great Art Iñiguez Alarcon himself. Every girls fantasy prince in a flesh, pero yong totoo, isa siyang malaking villain sa buhay ko!

"We want to thank everyone for coming to celebrate this night with us." sabi niya sa mic.

Nakatayo kami ngayon sa harap ng napakaraming bisita na mi isa wala akong kakilala. Puro mayayaman lang ata nandito na nagmula pa sa iba't-ibang pagkakakilanlan ng lipunan.

Kung tatanungin nyo ako kung ano feeling ko ngayon, sasagutin kayo ng nagyeyelo kong katawan at nangangatog kong mga tuhod.

"I know that the announcement of our wedding had been sudden, pero sabi nga nila, even sanity is vain on a man that is in love. When she came walking into my life, I knew I had to grab the opportunity and not lose her. And I have made the right decision, hindi ba future wife?" lingon niya sakin with a pamatay dimple na smile.

Hindi ako sumagot. Nagblack out kasi ang utak ko. Mi hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Ang pumasok lang sa tenga ko ay iyong words na in love at future wife, which doesn't make any sense.

Nagtawanan ang mga bisita. May narinig pa akong mahihinang 'ahhhw' mula sa kung saan. Sinubukan ko na lang ngumiti, bahala na kung magmukha akong asong nakangiwi. Nakakanerve wrecking lang. Di ko mapigilang pagpawisan.

Biglang nag-ingay yong mga wine glass. I noticed the guests were all tapping their goblets with their spoons. Katulad doon sa mga nakikita ko sa mga movies na ginagawa ng mga mayayaman sa kasal. May ibig sabihin ata kapag ganon eh. Ano nga ba iyon?

"Alesh!" Nilingon ko ang boses ni Trisha sa crowd. Nakita ko siya mula sa may di kalayuan, parang baliw na ngumunguso at sumesenyas sa labi niya. Lumukot ang mukha ko sa ginagawa niya.

Masakit ba labi niya? Di ko siya ma-gets.

From the other side of the room, nahagip ulit ng mga mata ko si Oliver. Madilim ang aura niya at bakas ang lungkot sa mukha. I wanted to run to him pero mistulang nakatirik lang ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Di ko iyon maigalaw.

Parang pinipiga puso ko just by looking at his sad face.

Pero hindi ko na din siya gaanong natitigan, dahil biglang may humawak sa pisngi ko forcing me to break my eyes off him and the next thing I know, naghahyperventilate na lahat ng cells ko sa katawan sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko..

*****

Important Note:
This teaser may change depending on how the story will develop.

A/N: So I'm back and I'm opening a new story, ulit. Haha. Trip ko lang. Hindi naman talaga to new. This may be one of the most cliché stories here on wattpad kasi gusto ko ring gumawa ng sarili kong version of arranged-marriage story, which I happen to really like. If you hate cliche and predictable plots then this book is not for you.

Ayoko lang din na may magexpect at madisappoint na reader. This story is very special to me.

Anyway, feel free to Vote & Comment.

Anyway, feel free to Vote & Comment

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Thank u lovely people..😄

Transitory MarriageWhere stories live. Discover now