Chapter one

13 0 1
                                    


Ram's POV

"Isa, dalawa, tatlo..." Walang nags-spoken word poetry, binibilang ko lang ngayon ang bayad sa akin sa raket na ginagawa ko ngayon.Isa akong part-time transporter, mas maganda 'to pakinggan kaysa sa delivery man although pareho lang naman ang trabaho namin, ang maghatid ng mga bagay na pag-aari ng aming mga customer.

Hay, ang hirap talaga ng buhay dito sa Pilipinas. Ang hirap kumita ng pera. Ang hirap makahanap ng permanenteng trabaho.

"Okay na ba, Ram? Aakyat na ako," napalingon ako kay boss Jake nang magsalita siya, nagdeliver kasi ako ng mga materyales sa hindi ko alam kung anong gagawin niya. Wala naman akong balak alamin.

"Sandali lang, baka naman pwede mo dagdagan 'to. Ang layo pa kasi ng pinanggalingan ko saka mahal na yung krudo ngayon. Baka naman kuya..." pag-aamo ko kay boss Jake, kuripot talaga 'yan kapag may inaarkila siya pero sigurado ako hindi 'yan tatanggi sa akin. Kailangan ko lang ipakita dito 'yung pagpapa-cute ko na hindi ko ginagawa kahit kanino. Nag-puppy eyes para ako sa kanya para convincing talaga.

Pagkatapos ng ilang segundo ay may dinukot siya sa bulsa niya na tatlong kulay dilaw na papel saka inabot sa akin. "O ayan na, ang lakas mo talaga sa akin hahaha sige na. Ingat ka pauwi."

At tuluyan na siyang pumasok sa building kung saan siya nagtatrabaho. "Salamat boss! Sa susunod ulit!" pahabol ko pa pero thumbs up lang ang isinagot niya habang naglalakad at hindi na lumingon sa akin.

Nice once Ram! Kumita ka ng four thousand five hundred pesos sa oras na 'to.

May ilang oras pa naman ako bago bumalik sa trabaho ko kaya nagpunta muna ako ng Starbucks para magchill. Walking distance lang naman ang SB mula dito sa kinatatayuan ko kaya nagsimula na akong maglakad papunta dito. Tagal ko na ring 'di nakakapunta ng SB kaya it's time to treat myself.

Pagkapasok ko ng SB ay binati ako ng barista nila at dumiretso ako sa counter para umorder ng paborito kong inumin. "Isang white chocolate mocha cream Frappuccino, large."

"Any additions?"

"'Yan lang."

"Name po nila, maam?"

"B. Only letter B."

Tumango lang siya. Pagkatapos ko magbayad ay umupo na ako sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana na katapat ng aircon. Let's go pasmado aabutin ko nito mamaya. Kakagaling ko lang sa init kanina ngayon malamig naman.

Habang hinihintay ang order ko ay chineck ko sa cellphone ko ang mga susunod na raket ko mamaya bago ako pumasok sa totoo kong trabaho bilang call center agent. May pupuntahan ako sa Parañaque mamayang 4 PM at 6 PM sa Makati tapos uuwi na ako para magpahinga saglit at mag-aayos na para sa magdamagan kong trabaho. Nawaglit ang pag-iisip ko nang may grupo ng mga lalaki na kakapasok lang dito at ang ingay ng kwentuhan nila. Tsk, ano ba 'to? Dinadala ang pagiging ugaling squammy dito ha.

Nakatingin lang ako sa labas nang mapansin ko na inilalagay na sa mga puno yung mga Christmas lights na gagamitin sa show. Malapit na nga pala magpasko, panglimang taon ko na palang 'di makakasama magpasko ang pamilya ko. Nasa Marinduque sila ngayon nakatira at ako ang nagtatrabaho dito sa Maynila para may pangtustos sa pag-aaral ang bunso kong kapatid at para sa maintenance ng gamot ni Papa.

"One large white chocolate mocha cream Frappuccino for B," okay na pala ang order ko. Tumayo na ako at naglakad para kunin ang inorder ko.

Pagdating ko sa may counter at kukunin na ang inorder ko nang may isa pang kamay ang humawak sa order ko. Napatingin ako sa nagmamay-ari ng kamay na 'to at nakita ko ang isa sa mga lalaki kanina na kakapasok lang. Napataas ako ng kanang kilay habang nakatingin sa kanya.

HousematesWhere stories live. Discover now