Lascivious Casanova 01

Beginne am Anfang
                                    

Napatayo ang mga babae na kasama ng grupo niya at isa isang nagtakbuhan, ganoon din ang mga kasama niya na lalaki. Pero siya nanatili doon at mayabang na bumuga ng usok.

"Bawal mag-inuman dito. At bawal ang sigarilyo." Tumigil si Harry sa harap niya.

Ang mga kasama namin na opisyal ay hawak sa braso ang ilan sa mga nahuli na kagrupo ni Jax.

"Sino may sabi?"

Mabilis kumulo ang dugo ko sa maangas na pagsagot niya. Hindi porket mayaman siya ay magiging batas na siya dito sa paaralan. Pinitik niya ang upos ng sigarilyo malapit sa paanan ni Harry at idinipa ang dalawang braso sa sandalan ng upuan.

Huminga ako ng malalim at hindi makapagpigil sa bastos ng ugali niya. Humakbang ako at lalapitan sana siya pero pinigilan ako ni Harry.

"Ayos lang.." nakangiti na sabi niya at marahan na nakahawak sa braso ko.

"Ang bastos eh.."

Mula kay Harry ay inilipat ko ang tingin kay Jax. Nasa kamay ni Harry ang tingin niya, pag-angat niya ng tingin ay nagkatinginan kami.

"Ikaw ang nagsumbong?"

Tinitigan ko siya. Wala ang polo niya, tanging ang puti na malinis na t-shirt lang ang suot. Nakasuot siya ng kwintas na manipis na ginto at mayroon maliit na pendant na bilog. Mahaba din ang buhok na labag sa gupit ng eskwelahan.

"Hindi naman kayo kailangan isumbong dahil kitang kita kayo at parang nagpapapansin pa sa mga mag-aaral dito."

Umangat ang gilid ng labi niya, nakangisi siya ng una hanggang sa naging malaking ngiti. Tinignan ko si Irene na nasa gilid ko ng marinig ang pagsinghap niya. Namumula ito at nakatitig kay Jax.

Mabilis kong ibinalik ang tingin sa harap at salubong ang kilay na tinignan siya. Magandang lalaki nga pero nakakababa ng dangal ang ugali.

Hindi siya makikita na mayroon kasamang mga babae, mga kaibigan niya ang kaliwa't kanan ang babae pero siya basagulero at puro bisyo naman. Nakita ko pa siya isang beses na nagsusugal sa kabilang bayan, hindi naman marunong magtrabaho pero ang lakas ng loob tumaya sa sabong.

"Tsk! Hindi ko alam na sa ganda mong iyan sumbungera ka pala.."

Nanlaki ang mata ko at umamba na lalapit ulit, humigpit ang hawak ni Harry sa akin at ibinaba ang kamay sa bewang ko para pigilan ako.

"Dahil bawal ang ginagawa niyo! Ang bastos talaga ng bunganga mo!" Mariin na sinabi ko, masama ang tingin sakanya.

Natawa siya at inalis ang pag-dekwatro sa binti. Hindi inaalis ang tingin sa akin ng itukod niya ang mga siko sa tuhod niya. Pinaglalaruan sa mga kamay ang lighter at isang pakete ng sigarilyo.

"Sinabihan ka na nga na maganda, bastos pa? Baka kapag binastos kita, hindi ka na makapagsalita.."

Pumikit ako at iniwas ang tingin sakanya pagkadilat, kapag nagkakasalubong kami madalas talaga kaming magbangayan dahil sa kabastusan ng bunganga niya. Minsan sisipulan niya ako at kapag tinignan ko ng masama ay tatawa.

"Sumama ka, Jax.. kailangan namin kayo makausap ng mga kaibigan mo." Maayos na pakiusap ni Harry.

"Magsasayang lang kayo ng oras. Papapuntahin niyo ang magulang ko? Titiklop nga ang may-ari ng paaralan na ito sakanila, kayo pa ba?"

Kinagat ko ang labi ko dahil sa mga salita na sinabi niya, para niya na rin sinabi na wala kaming karapatan na mga mahihirap para galawin ang mayaman na kagaya niya.

Sila ang may pinakamalaking lupain dito. Ang mga magulang namin ni Harry ay nagtatrabaho sakanila, pera ng mga magulang niya ang ginagamit niya pero kung makapagyabang siya akala mo sariling pera niya!

Kahit unang beses ko palang siya na makita pagka-uwi niya galing sa ibang bansa mainit na agad ang dugo ko sakanya.

Katirikan ng araw sa tanghali na iyon, panay ang ulan ng mga nakaraan na araw kaya basa pa ang lupa at puro putik pa.

Nakasuot ako ng uniporme para sa pagpasok ng dumaan ang sasakyan na minamaneho niya. Mabilis ang patakbo kaya pagdaan sa lubak na mayroon tubig ay tumalsik ang mga putik sa damit ko.

Naiangat ko ang mga kamay ko at napatitig sa dumi na tumalsik sa damit at pati na din sa pisngi ko. Galit kong nilingon ang sasakyan na diretso ang patakbo at hindi bumagal ang patakbo. Sa huli, umuwi nalang ako at hindi nakapasok sa araw na iyon.

"Nalabhan ko na ang damit mo, Anak. Tulungan mo akong dalhin ito sa Mansion ni Senyora, dumating ang Apo niya ang anak ng mga Dawson."

Kinuha ko ang malagkit na niluto ni Nanay, isang bilao iyon. Ang bilo bilo naman ay bitbit niya. Habang naglalakad kami ay ikinekwento niya ang napangasawa ng nag-iisang anak ng senyora.

Nagbakasyon lang daw sa Ireland at pagbalik ay mayroon ng kasintahan na Irishmen. Tinanggap nalang ng senyora at lalo pa ay buntis na. Nagbabalak daw na dumalaw sa mansion, pinauna lang ang anak at nagdesisyon daw na dito pansamantala na patirahin.

"Sumunod ka sa loob at baka gutom na ang Senyora at Apo niya. Magugustuhan niya ito dahil talaga naman na sinarapan ko ang luto."

Nakangiti si Nanay at tuwang tuwa na mapapakain sa dayuhan ang luto niya. Nakasunod ako pero natigilan ng malingunan ang pamilyar na sasakyan. Matagal kong tinitigan iyon hanggang sa maalala ang barumbado na nagmamaneho ng sasakyan na tinalsikan ako ng putik!

Naisip ko na kaagad na siya iyon, kaya naman hindi na ako bumati pagkapasok sa loob, sumama ang timpla ko lalo na ng tanggihan niya ang niluto ni Nanay.

"What food is this?"

"Malagkit ito, at ito naman po bilo bilo-"

"Is that even clean?" His arrogant voice makes me want to slap him.

Nasa likod ako ng lalaki dahil si Nanay lang ang lumapit pagkakuha ng bitbit ko na bilao. Likod lang ng lalaki ang nakikita ko pero nag-iinit talaga ang dugo ko.

"Malinis po ito, Sir.. eto ho at tikman niyo-"

Umawang ang labi ko ng tabigin niya ang platito na nilagyan ng pagkain ni Nanay.

"I don't eat that.. that thing don't look appetizing to me.. do you have any other food here, Lola?"

Pumikit ako at humakbang para pigilan si Nanay sa pag-alok ng pagkain, ayokong makita na ulitin niya pa iyon kay Nanay dahil baka hindi na ako makapag-pigil.

Napatingala siya ng tumabi ako kay Nanay at inagaw ang hawak ni Nanay na platito. Ang Lola niya tumayo at nagtawag ng ibang katulong para magluto ng ibang pagkain.

"Nay, dalhin nalang natin ito sa palayan kung nasaan si Tatay para hindi masayang."

Tumango si Nanay at nakatitig ang lalaki sa akin ng lingunin ko. Hanggang ibabaw ng tainga ang buhok, makapal na kulay brown na hinahawi niya pataas kapag tumatabing sa mata niya.

Malalim ang kayumanggi na mata, nagbabago ang kulay kapag nasisinagan ng araw. He has brown eyes but normally it changes to color bright blue or gray when it expose to light.

Simula ng araw na iyon, hindi ko na siya sinusulyapan dahil nag-iinit ang dugo ko kapag nakikita siya. Sa ganitong paraan lang kami nagkakaharap, kapag may mga ginagawa siyang kalokohan saka lang ako napapatingin sakanya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt