Hinatid ko siya sa labas ng bahay. Nakita ko naman ang black na kotse ni tita na nakapark sa gilid.

"Baka may gusto ka bilhin para sa sarili mo," sabi niya at inabutan ako ng five hundred pesos.

"Ayos na po ako. May mga na damit po kayong ibinigay kanina." Ngumiti ako sakaniya para hindi na niya ipilit. Si tita, ayaw niyang tinatanggihan siya. Pero kilala na niya ako, ayaw ko ring lagi akong binibigyan. At isa pa, hindi ako sanay.

Bumuntong hininga siya bago ibalik ang pera sa wallet. "Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, ha?" Tumango ako at kumaway na sakaniya.

I stayed there until she left my vision. Huminga ako nang malalim, feeling the cold breeze at night. Tumingala ako at nakita na naman ang tatlong stars. I reached for it and lined my fingers at the three stars.

Nakayuko akong pumasok sa bahay. Ando'n pa rin si lolo sa sala at nililigpit ang mga dala ni tita.

"Ako na po, magpahinga na po kayo sa k'warto," sabi ko sakaniya at inalalayan papasok ng k'warto.

Nagligpit na ako at nilagay sa labahan ang mga damit na bagong bili ni tita. Nilagay ko na rin sa refrigerator ang basket na puno ng prutas.

Pabagsak akong humiga sa kama. Nakakapagood. I sighed. I want to go to that world again.

Umayos ako ng upo. I'm going to try again. Baka sakaling gumana na ngayon.

Pumikit muna ako at pinagdikit ang mga palad. "I wished I'll go back to that world," I whispered to myself.

Maya-maya, naramdaman ko ang pagbabago ng inuupuan ko, nagiging madamo na. Naramdaman ko ang init sa balat ko at nakita ko ang liwanag na nanggagaling sa araw. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang Nuke field na walang tao. Ando'n pa rin ang stage at mga kalat ng tao na nagpunta sa gig.

Tumayo ako at naghanap kung saan p'wede makauwi. Hindi ko kabisado ang lugar na 'to! I don't even know where Aling Melinda is living! Wala akong number nila! Paano ako makakabalik sa bahay nila?

Tumawid ako dahil mas maraming tao ro'n. Malawak ang field at malayo pa ang lalakarin para makalabas do'n. Malawak ang kalsada ro'n, pero may pedestrian lane naman.

I walked when the lights turned red. May kasabayan ako sa pagtawid kaya hindi ako gano'n kinabahan.

Napatingin kami sa kotse na busina nang busina at mabilis ang pagtakbo. Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang tumama ang hita ko sa hood ng sasakyan na mabilis ang pagtakbo. Na out of balance ako kaya napaupo ako sa kalsada. Agad naman akong dinaluhan ng mga taong malapit sa akin.

"Ayos ka lang ba, iha?" Rinig kong mga tanong nila sa akin.

Lumabas naman ang isang matandang lalaki at babae sa sasakyan. Dinaluhan nila ako at halata ang pag-aalala sa mukha. Nakita ko namang sumilip ang parang ka-edad kong lalaki sa binatana ng sasakyan nila na nakakunot ang noo. Parang ayaw pa paalisin ang mga magulang sa sasakyan.

"P-Pasensya na," naiiyak na sabi ng babae at lumapit sa akin. Tinulungan nila akong makatayo.

"Dalhin natin siya sa ospital, Hon," sabi ng babae sa lalaki. Mag-asawa pala sila, kung gano'n, anak nila ang nasa sasakyan.

"Halika, papatingin ka namin." Umiling ako at tumayo nang tuwid.

"Ayos lang po ako. Nagulat lang po ako at nawalan ng balanse." Hindi pa rin ako binibitawan ng babae. Parang buo na ang desisyon na ipatingin ako sa ospital kahit kaya ko naman.

I saw their son walk out of their car. Maayos ang pagkakaayos ng buhok niya na akala mo ay bagong gupit. He's wearing a black polo, ang tatlong butones niya ay nabukas, kaya kita mo ang white shirt underneath, nakatupi naman ang sleeves nito hanggang siko. May nakasukbit namang shades do'n sa white shirt niya. Nakablack pants din siya at naka tucked in ang polo ro'n.

He walked towards us, kita ko ang iritasyon sa mukha niya. "Ma, tara na." Nakakunot ang noo nito at kinamot ang ulo sa iritasyon. Problema nito? Tumingin siya sa akin. He scanned me from head-to-foot. "Mukhang maayos naman siya. Tara na."

Nakita ko namang nainis ang mama at papa niya sakaniya. "She's our responsibility, Chryszyler. Akayin mo siya sa kotse." Mas lalong kumunot ang noo niya ro'n. He heaved a sigh and pursed his lips, restraining himself to argue with his father.

Maglalakad sana ako nang mag-isa papuntang sasakyan nila dahil parang pilit na pilit 'tong Chryszyler na tulungan ako. Napadaing ako nang mahina nang maramdaman na kumirot ang paa ko pagkaapak ko. Hindi naman 'yon masakit kanina, a?!

I bit my lower lip, thinking that it will ease the pain. Nagulat ako nang pinaakbay ako ni Chryszyler sakaniya at hinawakan ako sa bewang para alalayan. Napalingon ako sakaniya at napakurap-kurap nang sobrang lapit namin. Hindi ako sanay na gan'to kalapit sa tao! Lalo na sa lalaki!

"Eyes straight, lady." Napaiwas ako nang sabihin niya 'yon. I heard him tsked, before guiding me to their car. Pagsara niya ng pinto ay umikot siya at doon umupo sa kabila. Nakita ko namang pabalik na ang magulang niya sa kotse at nag-aalisan na rin ang mga tao.

"Pasensya ka na talaga, iha," sabi ng mama ni Chryszyler pagkapasok ng kotse.

"Ayos lang po ako. Sprained lang naman po 'to."

"Kahit na, kailangan natin ipatingin 'yan."

I heard Chryszyler hissed. His father drove me to the nearest hospital. The nurse checked me and cover my sprained ankle with something. Pagtapos ay nagbilin siya ng kung anong dapat gawin para hindi lumala.

"Saan ka pala nakatira para maihatid ka namin." Napatigil ako ro'n. Last time someone asked me that, my house street doesn't exist here. Ano ba ang dapat kong sabihin? Na hindi ko alam bahay ko? Ang weird naman no'n 'di ba? Pero anong isasagot ko?!

"H-Hindi ko po alam, e. Bagong lipat po kase kami rito." Napakagat ako sa labi nang magsinungaling ako. Nag-alala naman agad sila.

"Anong number ng mama mo? Tatawagan ko." Napatingin-tingin ako kung saan. Ano ba ang sasagutin ko rito?

"Hindi ko rin po kabisado number nila, e." Napakamot ako sa ulo ko. "Nalimutan ko po cellphone ko sa bahay namin."

Mas lalo silang nag-alala sa akin. Nagkatinginan muna sila bago ngumiti sa akin. Napataas ang kilay ko.

"Doon ka muna sa amin."

"P-Po?"

"What?!"

Napatingin kami ni Chryszyler sa isa't isa nang sabay kaming magsalita. He avoided my gaze and hissed. I just rolled my eyes. Napakasungit naman nito.

"Doon ka muna habang hinahanap namin magulang mo." Tumango ako.

Napayuko ako at napatingin sa paa kong may benda. Madadala ko ba 'to sa totoong mundo ko? Napabuntong hininga ako. My first day here and I got a sprained ankle. And met this family who has a ill-tempered son.

The Darkest LightWhere stories live. Discover now