Chapter Two

61 8 10
                                    

I roamed around and it was like I'm inside a forest. Naghanap agad ako ng labasan pero hindi ko mahanap dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na 'to. Where am I?!

I started to call somebody, hoping that someone will hear my cries. I stopped when my throat hurts with all those shouting. Wala bang nakakarinig sa akin? Baka walang malapit na tao rito? Ano na mangyayari sa akin? Nawawala na ba ako? May kumidnap ba sa akin kaya andito nalang ako bigla?!

"May tao ba?" Napalingon ako sa narinig na sigaw kung saan.

"Meron! Andito po ako!" sigaw ko pabalik.

"Magsalita ka lang para makapunta kami sa 'yo!"

Nagsimula akong kumanta ng Twinkle Twinkle Little Star dahil ayon ang unang pumasok sa utak ko. Hindi ko na pinansin kung matatawa siya at mapapahiya ako dahil sa pagkanta ko. Narinig ko naman ang papalapit na yabag ng isang tao. Bigla naman akong kinabahan dahil paano kung masamang tao ang makahanap sa akin? Paano na ako makauuwi nito? Hindi ko p'wede iwanan si lolo mag-isa. Anong oras na ba? Kailangan ko na alagaan si Lolo at 'yong pinapagawa sa akin na Chapter 2.

"Iha! Paano ka napadpad dito?" Natigil ako sa pag-iisip at napaatras sa dalawang lalaki na nakahanap sa akin. Naka sando silang puti at nakasumbrero ng magsasaka. Napaatras ako lalo dahil nakita ko ang mga hawak nilang itak. "Saan ba ang bahay mo? Halika." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ulit ako. Nagtaka siya at napatingin sa sarili. Med'yo nalungkot ang mukha pero agad din akong nginitian nang pilit. "Nako! Pasensya ka na at narumihan kase kami kapuputol ng puno at paglinis ng hardin namin."

"H-Hindi po sa gano'n!" Napailing agad ako at napataas ang kamay dahil nakuha ko ang gusto nila iparating. Hindi ako narurumihan sakanila. Ni hindi ko nga pinuna ang pagkarumi ng damit nila. Natakot lang ako sa hawak nilang itak at baka hindi na ako makauwi sa Lolo ko. Hindi ko kayang iwan ang Lolo ko, siya nalang ang meron ako. "N-Natakot po kase ako sa itak niyo," nahihiya kong sabi. Hindi naman kase ako sanay na makakita ng itak. Madalas kase mga machines na ang ginagamit. Natawa naman siya at ngumiti lang sa akin ang isang mama.

"Halika. Tutulungan ka namin makalabas." Sumama na ako sakanila dahil mukhang mabait naman sila at hindi 'yong tao na naiisip ko. Delikado kase ang mga tao ngayon, kahit gaano ka kabuti ay hindi ka nila palalagpasin para lang makuha ang mga gusto nila.

May nilapitan silang mga kahoy sa gilid at lumapit sa akin habang bitbit 'yon. Ayon siguro ang mga naputol na nila. Nakita ko naman na may natira ro'n na dalawang kalahati dahil hindi na nila kayang bitbitin. Lumapit ako ro'n at binitbit 'yon. Magaan naman sila, e.

Agad akong dinaluhan ng isang mama para pigilan. Nginitian ko siya. "Okay lang po. Kaya ko po." Wala na siyang nagawa dahil bitbit ko na. Kaysa namang bumalik pa sila rito mamaya.

We started walking. Med'yo matagal pa bago kami nakalabas. Siguro nasa liblib talaga kami kanina.

Nilapag nila ang mga kahoy sa gilid ng karinderya kaya nilapag ko na rin ang sa akin. The streets aren't familiar. The people, the road, the place are not familiar! Asan ba ako?

"Oh, 'neng. Saan ba ang bahay mo at mahatid ka," sabi ng mama kanina pagtapos ayusin ang mga kahoy.

"Sa St. Ignacio po." Kumunot ang noo niya pati na rin ang mga nakarinig. Bakit? Anong meron? Hindi ba nila alam 'yon?

"Walang St. Ignacio na sinasabi mo rito, 'neng. Naliligaw ka ata. Halika, tawagan mo mga magulang mo." Akmang aakayin niya ako sa loob ng karinderya kung saan may telepono pero agad natigilan sa sinabi ko.

"Patay na po mga magulang ko."

"Sino kasama mo sa bahay, 'neng? Sino p'wede mo contact-in?" Si lolo lang ang meron ako, kaso wala siyang cellphone. Si tita naman na tumutulong sa amin ay hindi ko kabisado ang number dahil hindi ko natanong at sila rin ang pumupunta sa amin tuwing unang linggo ng buwan.

The Darkest LightWhere stories live. Discover now