Chapter. 30

94 20 0
                                    

Rafael POV

Pasensya na asawa ko dahil natitiis kitang hindi makausap at hindi makita.

Lahat iyon ay parte nagpapanggap namin.

Balak kasi namin i-surprise si Belle dahil kaarawan nila ni Arian.

Flashback.

Mahimbing na natutulog ang asawa ko.

Tiyak ko na napagod siya sa byahe kanina at katatapos lang ang gulo mula sa Tito niya na si Marcus Walle.

Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng table.

Agad ko naman ito kinapa at tiningnan.

Text na galing kay

Daddy Lan

Iho, pasensya nasa istorbo. Kailangan ka lang namin maka-usap. Nandito kami sa rooftop. Pumunta kana dito ngayon. Huwag mong isama si Belle.

~~~

Tumayo ako at hinalikan sa noo ang aking asawa.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso nasa rooftop. Nakita ko na naka-upo sa sofa sina Daddy Lan, Mommy Lin at Arian.

Umupo ako sa harap nina Dad at Mom. Ngayon ay katabi ko si Arian.

"Pag-uusapan natin iyong tungkol sa birthday ni Arian at Belle" sabi ni Dad

"Surprise ang napag-isipan namin" sabi ni Mom

"Surprise? Pero bakit po nandito si Arian?" Takang tanong ko

"Ayoko ng surprise" mataray na sabi ni Arian

"Ayaw niya ng surprise kaya si Belle na lang ang iisurprise natin" sabi ni Dad

"Ano po ang maitutulong ko?"

"Huwag mo siyang pansinin" sabi ni Arian

"Ano?"

"Huwag mo siyang pansinin, pansinin mo lang siya kapag kaarawan na niya" sabi ni Mom

"Iwasan mo din siya" dagdag na sabi ni Dad

Ang hirap naman na pinapagawa nila.

"Alam kong mahihirapan ka, pero ito lang ang tanging naisip namin" sabi ni Mom

"Simula bukas na umaga huwag mo na siyang pansinin"

"Di ba may salo-salo tayo bukas sa bahay namin?"

Agad naman ako tumango bilang sagot.

"Sinabi sa 'min ni Arian na meroon ka raw aasikasuhin" sabi ni Dad

Napalingon naman ako kay Arian.

"Aasikasuhin ko po iyong mga kompanya ko"

"Gusto ko asikasuhin mo na rin iyong sorpresa para kay Belle" sabi ni Dad

"Pagkatapos mo asikasuhin ang lahat na gagawin mo tsaka mo lang aasikasuhin ang sorpresa natin" sabi ni Mom

"Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin" dagdag na sabi ni Mom

"Sinabihan ko na sina Stella at Jane, ganoon din sina Thun, Reign at AC"

"Sila lang ang nakakaalam tungkol dito sa plano natin"

"Sila din ang makakatulong natin. Sina Stella at Jane na ang bahala kay Belle samantala tayo, tayo na ang bahala sa venue at sa mga dekorasyon"

A Simple Girl Like a FlowerWhere stories live. Discover now