Chapter. 18

79 24 0
                                    

Belle POV

Natapos na rin ang celebration ng kaarawan ni Raf at iyong tungkol sa pagbubuntis ko.

Ngayon ay araw ng linggo.

Tanghali na pero tulog pa sina Mama. Walang umuwi sa mga bisita namin dahil naisipan namin ni Raf na dito muna sila matulog.

Lasing sina Papa, kaya hanggang ngayon ay knock-out pa rin sila.

Mabuti na lang at madami ang guest room dito sa bahay namin ni Raf.

Nandito kami ngayon sa garden at ang kasama ko dito ay sina Julian, Julia at Prince.

"Sino gusto ng juice?" Ngiting tanong ni Prince

"Ako po" sagot ni Julia

"Ako din" sagot ni Julian

"Ikaw, Ate?" Tanong ni Prince

"Gusto ko ng gatas"

"Gatas?" Takang tanong ni Prince

"Sabihin mo na lang kay Manang Lucile, alam niya iyon"

Lumakad papasok si Prince sa loob ng bahay.

Nakita ko na nasa tabi ng swimming pool sina Julian at Julia.

"Dito lang kayo, Julian at Julia" saway ko sa kanila

"Lumayo kayo sa swimming pool, baka mahulog kayo"

"Dito na lang kayo sa garden"

Lumapit sila sa 'kin at tumabi sa upuan ko.

"Ninang Belle" tawag ni Julian

"May itatanong po ako" sabi ni Julian

"Sige, Ano iyon?" Sabi ko

"Si Ninang Alice po ba ang tumulong kung bakit nakabalik si Dad sa pagiging tao?"

"Oo" sagot ko

"Totoo po ba na naging papag si Dad?" Tanong ni Julia

"Oo, hindi ba kayo naniniwala?" Sabi ko

"Mahirap po kasi paniwalaan" sabi ni Julia

"Mahirap paniwalaan, pero iyon talaga ang nangyari"

"Labis po ako nagpapasalamat kay Ninang Alice" ngiting sabi ni Julian

"May balita na po ba kayo sa paghahanap kay Ninang Alice?" Tanong ni Julia

"Wala pa"

"Makikita at makakasama natin si Alice, magtiwala lang tayo"

Naramdaman ko na may yumakap sa likod ko kahit na nakaupo ako sa silya.

"Good morning, asawa ko"

"Tanghali na" sabi ko

"Tanghali na pala kaya nakaramdam na ako ng gutom"

Hinalikan ni Raf ang leeg ko.

"May mga bata" sabi ko

Lumayo si Raf at umupo sa harap ko.

"Kumain ka na?" Tanong ko

"Oo"

Kumain na pala siya bago sasabihin na

"Tanghali na pala kaya nakaramdam na ako ng gutom"

"Ninong, Gising na po ba si Nanay at Tatay?" Tanong ni Julia

A Simple Girl Like a FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon