Belle POV
Nandito na kami ngayon sa bahay namin ni Raf kasama sina Arian, Mom, at Dad.
"Ikinagagalak ko po na makilala kayo Mister and Misis Ayala" ngiting sabi ni Raf
"Mommy Lin, na lang ang itawag mo sa 'kin"
"Ang itawag mo na lang din sa 'kin ay Daddy Lan"
"Sige po Dad Lan at Mom Lin" ngiting sabi ni Raf
"Kamusta naman ang anak ko sa poder mo?" Tanong ni Mom
"Medyo makulit at hindi po nakikinig"
"Sinisiraan mo naman ako, asawa ko" ngusong sabi ko
"Hindi ka sinisiraan ni Raf dahil totoo naman ang sinasabi niya" natatawang sabi ni Arian
Natawa na din sina Mom, Dad at Raf. Samantala ako ay nanatili naka-simangot.
"Huwag kang sisimangot papanget si baby sige ka"
"Ewan ko sa 'yo" mataray na sabi ko kay Raf
"Mabuti pa ay magpahinga na tayo" sabi ni Dad
"Bukas may salo-salo tayo sa residence ng Ayala"
"Sa bahay po? Mom" tanong ko
"Oo, Belle"
"Magkita-kita na lang tayo doon bukas ng 7:00 pm"
"Delikado na po sa daan, dito po muna kayo matulog" sabi ni Raf
"Mabuti pa nga Iho" sabi ni Dad
"Bukas na umaga na lang kami aalis"
"Kapag hindi niyo na kami maabutan bukas. Paki-yaya na rin ang mga kaibigan ninyo Raf at Belle. Gusto ko rin makilala ang pamilya mo Raf at ang pamilya na nag-alaga sa dalawang kambal ko"
"Sasabihin ko kina Mommy Dei" ngiting sabi ni Arian
"Sasabihin ko na rin sa mga kaibigan ko at Kina Mama Tina"
"Ako rin po" sabi ni Raf
"Matulog na tayo at magpahinga" sabi ni Arian
Pumasok na kami sa kanyang-kanyang kwarto.
"Good night and I love you, Maria Ariabelle Ayala-Santos"
Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Good night and I love you too, Rafael Santos"
Kinabukasan.
"Good morning, asawa ko"
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya.
"Gising na"
"Inaantok pa ako" sabi ko habang nakapikit pa rin
"Baka nandito pa sina Daddy Lan"
"Alam mong puyat ako kagabi dahil suka ako ng suka" sabi ko
"Dadalhin na lang kita ng umagahan"
"May gusto ka ba ipaluto?"
"Adobong talong ang gusto ko" sagot ko
"Adobong talong?" Takang tanong ni Raf
"Hmmm"
"May luto bang adobong talong? Parang wala naman ih" rinig kong sabi ni Raf na makalabas ng kwarto
ŞİMDİ OKUDUĞUN
A Simple Girl Like a Flower
Genç Kurgu[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayari kung gaganda ang buhay niya? Sa madaling salita isa siyang sikat. Simple pa ba ang buhay na mayro...