Chapter. 14

87 25 0
                                    

Belle POV

Ano kaya ang iniisip niya sa paggawa ng baby?

Gabi na at hindi ako makatulog. Samantala si Raf ay mahimbing na natutulog.

Hinalikan niya ako kanina.

Napakagat naman ako sa labi na maalala ko ang pangyayaring iyon.

Hinawakan ko ang aking dibdib.

Hindi normal ang tibok ng puso ko. Senyales na ba ito, na may malala akong sakit?

Umiling-iling naman ako.

Huwag po sana.

Na maramdaman ko na ang antok ay unti-unti ko na pinikit ang aking mata.

~~~

"Belle"

"Mommy"

Lumuhod ang babae na nasa harap ng batang babae.

"Ito ang tandaan mo na mahal na mahal ka namin. Ginagawa namin ang lahat para sa ikabubuti mo at ng kakambal mo"

"Hindi ko po maintindihan ang sinasabi niyo, Mommy" sabi ng batang babae

"Doon ka muna tumira pansamantala sa ibang bansa"

"Sumama ka kay Daddy mo, doon muna kayo"

"Gusto ko kasama kayo ni Arian" ngusong sabi ng batang babae

"Susunod na lang kami ni Arian"

"Gusto ko sama-sama tayo aalis dito" sabi ng batang babae

"Belle, makinig ka kay Mommy"

"Huwag matigas ang ulo mo"

"Naiintindihan mo naman ang sinasabi ko di ba?"

Tumango ang batang babae bilang sagot.

Dumating ang araw ng pag-alis nila.

Iyak lang ng iyak ang batang babae habang buhat-buhat ng kanyang Daddy. Samantala ang kanyang kakambal na si Arian ay umiiyak na rin at gusto humabal ngunit pinigilan ito ng kanyang Mommy.

Nag-simula na lumakad palayo ang Daddy ng batang babae.

Ilang oras ang nakalipas nakarating na rin sila sa Canada.

Iyak ng iyak pa rin ang batang babae na makarating sila sa bahay nila sa Canada.

Lumipas ang anim na taon.

"Daddy"

"Umuwi na po tayo sa Pilipinas"

"Hintayin natin ang Mommy mo at ang kakambal mo dito" sagot ng kanyang Daddy

"Pero Daddy, anim na taon na tayo dito at anim na taon na tayo naghihintay kina Mommy"

"Ayoko na dito"

"Nag-birthday ako dito na hindi ko kasama sina Mommy at Arian"

Lumapit ang kanyang Daddy at yinakap ang batang babae.

"Mag-impake na tayo"

"Babalik na tayo sa Pilipinas"

"Makakasama natin sina Mommy at si Arian"

Fastfoward.

Nakarating na sila sa Pilipinas at nasa tapat na sila ng bahay nila. Dali-dali bumaba ang batang babae at pumasok sa bahay.

A Simple Girl Like a FlowerWhere stories live. Discover now