Chapter. 9

92 25 0
                                    

Belle POV

Na makaramdam ako ng sakit sa likod. Minulat ko na ang mata ko at umupo na sa sofa.

Stretch muna.

Tumayo na ako. Papunta na sana ako sa C. R. Na bigla pumasok sa isip ko na wala pala akong damit dito.

"Raf"

"Raf"

Tawag ko kay Raf.

"Bakit?" Takang tanong ni Raf

Lumingon naman ako kung saan galing ang tinig na iyon.

Napatakip ako ng kamay sa aking mata.

Jusko. Huwag po sana ako mabulag.

Wala siyang suot na damit. Naka-short siya at bakat ang

Hala! Sorry po.

"May damit ba ako dito?" Tanong ko

"Nasa kwarto"

"Maliligo muna ako tapos magluluto para sa agahan natin" sabi ko

"Nakakain na ako, magluto ka ng iyong makakain" sabi ni Raf

"Inubos ko ang pinadala ko dito" dadag niyang sabi

"Patakip-takip pa ng mata tumitingin din naman" sabi ni Raf at umalis na

Kahapon pa masungit ang lalaking ito.

Pumunta na ako sa kwarto at hinanda ang damit na susuotin ko.

Pumasok na ako sa C. R at nagsimula na maglinis ng katawan. Pagkatapos ay nagtakip ako ng roba at pumunta sa harap ng lababo para mag-tooth brush. May nakita akong tooth brush kaya ito ang ginamit ko.

Na matapos sa pag-tooth brush ay lumabas na ako sa C. R at magsisimula na sana magbihis na may maalala ako.

"Hala!" Sigaw ko

Ngayon pala ang birthday ni Alice.

April 21 pala kahapon at kahapon din kami kinasal ni Raf.

"Ano ang tinu-tunganga mo diyan? Mag-bihis ka na, pupunta tayo sa birthday ni Alice"

Todo takip ako sa katawan kahit na may suot ako na roba.

"Ito ang face mask at shade gamitin mo"

Nilapag ni Raf sa kama ang dala niya.

"Patakip-takip pa wala din naman akong makikita diyan"

"Anong wala?" Inis na sabi ko

"Aalis na tayo pagkatapos mo mag-bihis, ayoko ma-late" sabi niya at lumabas na kwarto

Hindi pa ako kumakain ng agahan.

Nagbihis na ako ng dress, nilagay ang face mask, shade at lumabas na ng kwarto.

Nakita ko na nakaupo siya sa sofa at naka-dekwarto. Na makita niya ako tumayo siya.

"Alis na tayo" sabi niya, lumabas na sa pinto at hinawakan ang pinto na parang aakmang isasarado niya

"Sandali"

"Bakit?" Takang tanong niya

"Hindi pa ako umaagahan"

"Kasalan mo kasi tanghali ka na gumising" sabi niya

Anong tanghali doon? 6:00 am ako gumising. Nauna lang siya gumising sa 'kin.

A Simple Girl Like a FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon