Chapter. 29

86 22 0
                                    

Belle POV

Ang bilis ng oras limang buwan na akong buntis.

Gaya ng sinabi ni Raf dito muna ako nakatira sa bahay nina Daddy.

Ilang buwan na rin hindi pumupunta dito si Raf kahit text at tawag man lang wala akong natanggap.

Mahal niya ba ako? Kung mahal niya ako, hindi niya ako kayang tiisin. Kaming dalawa ni baby.

Tok tok tok

"Pasok po" sabi ko

Pumasok naman si Mommy may bitbit na lumpiang sariwa at gatas.

Nilapag niya ito sa ibabaw ng table at nilapit sa harap ko. Umupo siya sa tabi ko.

"Maghapon ka na hindi lumalabas ng kwarto"

"Kung may problema ka, sabihin mo sa 'kin"

"Kumain ka muna"

Nagsimula na ako kumain.

"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil kay Raf?"

Napatigil naman ako sa pagkain.

"May tinatapos lang si Raf, kapag natapos na niya iyon makakasama mo ulit siya"

"May alam ka ba Mommy?" Tanong ko

"Anak" sabi ni Mom

"Ilang buwan na niya ako hindi kinakausap"

"Hindi rin siya nagpaparamdam sa 'kin"

"Sapat na ba iyon para hiwalayan mo siya?"

"Sinabi ni Raf na gusto mo daw makipag-hiwalay sa kanya"

"Arrange marriage lang kami" sabi ko

Napansin ko na hindi man lang nagulat si Mom sa sinabi ko.

May alam si Mom na hindi ko alam.

"Nasisigurado ka ba na arrange marriage nga ang nangyari sa inyo?"

"Huwag ka basta-basta magdedisyon"

"Sige ka! Baka pag-sisihan mo"

"Meroon kang alam na hindi ko pa alam sa ngayon, Mommy" sabi ko

"Hmm wala akong balak sabihin sa 'yo kung ano man iyon" ngiting sabi ni Mom

Tumayo na si Mom.

"Ubusin mo na lang iyang pagkain"

"Magiging masaya ka din, promise" narinig kong sabi na lumabas siya sa pinto

Ano naman kaya iyon? Di bale huwag ko na lang isipin iyon, lalo na't baka ma-stress lang ako.

Tinapos ko na ang pagkain at humiga nasa kama.

Kinuha ko ang cellphone sa tabi ng lamp shade.

Binuksan ko ang facebook account at tinignan ang mga message.

Kahit dito wala siyang message.

Napansin ko na online sina Stella at Jane.

Charlie's Angel and One Dwarft

Stella: Ano na balita sa inyo?

Jane: Kriminal pa rin.

Stella: Hala! Sige, Pa-buntis pa hahaha.

Jane: Palibhasa walang bumu-buntis sa 'yo. Kasi hindi ka gusto ni AC.

Stella: Hoy! Buntis 1, Pasmado ang bibig mo. Pahalik ka sa aso para malinis naman.

A Simple Girl Like a FlowerWhere stories live. Discover now