34

9 1 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa tawag ni Carly. Kailangan ko raw pumasok nang maaga and since I'm a lazy morning person, kailangan niya raw akong tawagan para mabilis ang kilos ko. Ugh! It's just six in the morning!

Nang makarating ako sa office ay mayroon na agad kaming client. Nakatalikod siya sa'kin ngunit familiar ang ayos ng kanyang buhok. Si Carl naman ay hindi mapakali, halatang kinakabahan. Anong meron?

The woman slowly turned around to face me. Nakangiti ito ngunit bakas sa mukha nito ang lungkot, ni hindi nga umabot sa mata niya ang ngiting ibinigay niya sa'kin.

"Good morning, Miss Salazar," bati niya. Napako ako sa kinatatayuan ko at hindi pa rin makasagot.

"Sit, Flame," seryoso ngunit kinakabahang sabi ni Carl.

I thank all the dieties who helped me to move my feet and sit in front of... Queenzel Aira Velasco.

"G-good morning," I greeted, my voice cracked. Bakas pa rin sa'kin ang gulat. Hindi lang kasi ako makapaniwalang nandito siya sa harap ko. How did she know that I work here?

"Calm down. I'm here for business," sabi niya. Kahit gaano kakapal ang make up niya'y hindi nito kayang itago ang malungkot niyang mata. "You're a model, right?"

Tumango lang ako. I didn't know what and how to answer. Come on, Flame. Be professional!

Ngumiti ulit siya bago sumagot. "We'll be having a Fashion Show for a Cause and we want you to be our model."

"Ma'am, when and where po ang event?" tanong ni Carl in behalf of me. He knows when I can't do things on my own.

"Everything's settled, we're just looking for our model. The event will be tomorrow at three, sa Brgy. San Pedro Hall. I think it's fine if late na kami nag-inquire since Steel told me that you're professional naman."

The way she uttered his name, it sounded good for the ears but bad for my heart. Para akong paulit-ulit na pinagsasaksak sa puso.

"I-It's fine, we'll be there," sagot ko.

Nag-thank you siya bago nagpaalam at umalis. Mahigpit pa rin ang kapit ko sa palda ko. Denim skirt 'yon pero sobrang lukot na ng laylayan niya.

"Pwede ka nang huminga girl," said Carl. Napabuga ako ng hanging kanina ko pa pinipigilan. "Okay lang ba talaga sa'yo pumunta ro'n?"

"Business matters," sagot ko habang hawak-hawak pa rin ang dibdib.

"Oo nga, business matters pero 'di ka makahinga. Ang masokista mo girl. Pwede namang tumanggi 'pag 'di na kaya. Pwede namang umayaw e. You don't have to prove yourself to them, Flame."

Minsan lang akong pagsabihan ni Carl pero sobrang totoo ng mga sinabi niya. Madalas kasing support all the way siya, na kahit mahirap, ipupush niya ako kasi siya na lang daw ang naiiwang supporter ko. But this time, I guess I failed him. He seemed so disappointed when I accepted the offer.

"Work lang besh. Kaya 'to. Kakayanin. I can't just run away forever, 'di ba? Maliit ang mundo, magkikita at magkikita pa rin naman kami so ba't kelangan pang patagalin?"

"Ewan ko sa'yo. Nastress ako. Sige na, you go home and rest for tomorrow. Ingat ka, boba ka pa naman," sabi niya bago ako yakapin.

Carl and I never said 'I love you' to each other. Lagi kaming nagbabangayan to the point na parang mas bestfriends pa kami ni Diesel dahil sa bait niya sa'kin. Pero siguro, gano'n talaga. Carl's good in actions. Kahit na hindi niya sabihin, I know how much he loves me.

——

Maaga kaming nakarating ni Carl sa venue. Ala-una pa lang ay nando'n na kaming tatlo nina Diesel. Sumama na siya since wala rin naman daw siyang gagawin today.

From Ash to FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon