28

11 1 0
                                    

I called Carl first hour in the morning. Today's the scheduled 'Learn Thai Day' for me. Ewan, ayoko lang kasing maulit 'yong dati sa Paris na wala akong alam sabihin kun'di Eiffel Tower.

"Hoy bruha, ayan ha. Nagsearch pa ako for this. Magkano sweldo ko ha?" ani Carl habang isa-isang binabasa ang mga nasa bond paper. He printed some Thai words for tourists and starters.

"Trip to Thailand girl, ayaw mo?" sagot ko saka kumuha ng fries na binili niya.

I sat beside him and waited for his reaction. That's my original plan, to take him with me. No'ng pumunta kasi kami sa Paris ay hindi siya nakasama.

"Ay bongga! Sa'n ba kasi si Papa Steel? Tsaka anong gagawin mo sa Thailand beh?" Jusko, napakarami namang tanong ng chikadorang 'to.

"Boy Abunda, is that you? Tse daming tanong." I rolled my eyes. "Si Steel, busy sa company. Gusto niyang matapos ang lahat ng projects nila before mag-October. Sa Thailand, ikakasal ang friend ko. Oh may tanong ka pa?" masungit kong sabi.

"May iba ka nang friend? Hindi na ako?" tanong nito at aba, ang gaga may pa-pout pout pa!

Binato ko siya ng fries. "Boba, anong kala mo sa'kin, walang ibang friends? Sa dami ng napuntahan ko, every place may friend ako 'no! Pero 'yon nga, he and his boyfriend will get married."

Napanganga ang bruha kaya binato ko ulit ng fries. "Owemji, sana ol. Tse, penge nga niyan. Kain ka nang kain, ako naman ang bumili."

"Turuan mo na'ko. Pa'no ba 'to basahin? Sawasdi? Sawasde-eh? Hoyy bakla!" Kainis, I don't even know a single detail about that country. Ang alam ko lang ay home 'yon ng mga inspirational films, 'yon lang.

"Gaga. Ganito, mag-wai ka. You dikit your palms, 'yong parang nagpi-pray and itapat 'yon sa face mo paganito," he said and I copied him. "Tapos after no'n, mag-sawasdee ka na. 'Sa-wa-di' ang basa girl. And since girlalu ka, you use 'kha' and I use 'khap' for men. Gets?"

I nodded and tried doing the Thai greeting. Ang cute rin pala sa Thailand kasi they always do this as a sign of respect, either 'pag kararating nila or 'pag aalis na.

Hindi na namin tinapos ang mga nakasulat kasi knowing me and Carl, we're both lazy and get bored easily. Kumain na muna kami ng late breakfast – fried chicken meal.

Pagkatapos naming kumain ay nanood kami ng isang Thai Series. "Hoy bruha, anong panonoorin? Wala akong alam na Thai, mga inspirational films lang," sabi ko habang nag-i-scroll sa Youtube.

"Girl, pwede BL?" he asked.

"What's BL?" naguguluhang tanong ko habang kino-connect ang phone ko sa T.V.

"Boys Love. Sige na please? Nood tayo ng gano'n," sabi niya.

"Ano ba 'yon, bruha? Mamaya kung ano-ano 'yang pinapanood mo ha isusumbong kita kila Steel at Diesel," pagbabanta ko.

"BL lang naman e. Wala namang SPG do'n. Saka haler, virgin ang eyes ko 'no," maarte niyang sabi.

"Kahit na. Ano ba ang title? Isearch ko sa Youtube." Pagkasabi ko no'n ay narinig ko namang pumalakpak siya. Ay, hindi naman siya excited 'no?

"Owemji girl! For real? Sige. TharnType search mo. Promise maganda 'yan," he said while clapping his hands.

Masyadong masaya ang bakla, bad idea ata 'to e. Mas okay yata if inspirational films na lang o 'yong Crazy Little Thing Called Love ni Mario Maurer. Hays, crush pa naman namin 'yon noon ni Ashley. I ended up searching TharnType episode 1. Wala e, I don't know any Thai movie or series.

"Ay girl, OST muna. Ang ganda ng kanta ni Kaownah, dali na!" masama talaga ang kutob ko rito.

I typed TharnType OST and clicked the one with a 'Be Mine' title. The intro was good, napapasayaw ako sa beat. Dagdag pa ro'n, ang gwapo ng kumanta. Nako ha, 'pag ito nanligaw sa'kin, sorry na lang si Steel pero 'di na'ko aattend ng kasal. Tsarot!

From Ash to FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon