02

15 2 2
                                    

Trigger Warning !!!

Hanggang sa dumating kami sa bahay ay wala pa rin akong imik. Panay rin ang sulyap ni Ash sa akin habang nagdadrive ako. Bihira lang kasi akong matahimik, saka lang kapag wala sa mood o nasaktan.

"Are you alright?" tanong niya nang mailapag namin ang mga pinamili sa table. Binigyan din niya ako ng tubig para kumalma.

"Nakakainis kasi siya. Sino ba 'yon? Uh! Ang feelingero 'di naman gwapo."

Narinig kong tumawa si Ash habang isa-isang iniaayos ang mga gagamitin niya sa pagluluto. "Talaga bang hindi pogi o baka naiinis ka lang? Ano ba? PMS ka Sis?"

"Baka nga. Ay ewan."

"Oh," sabi niya sabay abot ng carrots. "Make yourself busy. Tulungan mo ako rito."

Mabuti pa nga kaysa sa kung sino-sinong alien ang naiisip ko. Tumayo ako at sinamahan siya sa kusina. This is all I can do to help – prepare the ingredients. Hindi naman kasi ako marunong sa ganoon. Fry and boil lang ang kaya ko, the rest wala na. Kumain kami ng lunch at ako na ang naghugas pagkatapos.

"Tulog ka muna. Ako na rito. Irelax mo puso este utak mo." Kunot-noo ko siyang tiningnan. Isa pa 'to e. Agad naman siyang nag-peace sign bago ngumiti.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga. Our rooms are separate since kami lang namang dalawa ang narito sa bahay. Dati kasi noong meron pa sina Mommy, iisa ang kwarto namin ni Ash. But when they passed away, we decided na maghiwalay na lang for privacy at para na rin maluwang ang space ng gamit.

Nagising ako nang marinig si Ash na tumatawag sa pangalan ko. I glanced on my wall clock and saw that it's already four in the afternoon. I got up from bed and walked to the kitchen. Malayo pa lang ay amoy ko na ang sauce ng spaghetti. Nagutom tuloy ako bigla.

"Linisan mo na 'yang table. Malapit na 'to," sabi niya. Sinunod ko 'yon saka itinabi ang ilang gamit. Pinunasan ko rin ang table at naglabas ng forks and plates. This is what I love about her, masyado siyang malinis pagdating sa pagkain. Hindi siya gano'n kaorganized sa gamit but wheb it comes to food, kailangan malinis at maayos lahat. Ni ayaw niyang may nakikita siyang dumi sa mesa and it's her rule na after eating, hugasan na 'yong mga pinagkainan within ten minutes. Kasi kapag tumagal daw ay nakakainis. Ewan ko riyan, pareho kaming naiinis sa mga bagay-bagay.

Tinulungan ko siyang maghain. Siya sa spaghetti at ako naman sa salad. Inilabas ko rin ang cake na binili namin kanina. "Congratulations twinny! You're the best writer and sister ever!" sambit ko saka siya nginitian.

"Grabe ka. E ako lang naman ang kapatid mo, 'wag ka nga. Pero thank you na rin for always pushing me to do things lalo na 'pag nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko."

"Eh ikaw lang naman 'tong ganyan e. Nasobrahan nga raw ako sa confidence kaya shineshare ko sa'yo. Sige na, let's eat. No more drama, eww. Ang beauty ko, ayokong umiyak," sabi ko bago kumuha ng salad.

Gano'n lang kami lagi kapag masaya. If one of us makes something good or may achievement, nagcecelebrate kami together. Malungkot kasi wala kaming kasama pero masaya rin kasi it drew us closer. And I know that wherever our parents are, proud sila sa amin.

Naging normal lang ang mga sumunod na araw. Madalas akong wala sa bahay because of modeling. We also started filming for the commercial of Valencia Fragrances. We already settled an agreement. Akala ko nga'y for posters lang pero nang sabihing may commercial ay umoo na rin ako.

If I was busy, Ash was busier. Sa tuwing umuuwi ako, nakasarado ang pinto ng kwarto niya. I often hear her cry especially at night. Gusto ko nga sana siyang tanungin pero baka masira ang focus niya. Dati kasi, she was laughing so hard that I even thought of her as crazy pero nilinaw naman niyang tungkol lang 'yon sa kwentong ginagawa niya.

From Ash to FlameWhere stories live. Discover now