"Your highness ang empress!" Sigaw ni sir Wilson mula sa labas ng pinto, dali-dali siyang tumakbo palabas at pinakinggan ang balita.

Lumapit ako sa kanila upang malaman kung ano iyon at bigla na lang akong napahawak sa aking bibig ng marinig ang balita.

"Nagpakamatay po ang empress! Uminum siya ng lason!" Mga salitang nagpatakbo kay Argus papunta sa kaniyang ina.

Napaluhod na lang ako dahil sa panlalambot ng aking tuhod at pinagmasdan ang imahe ni Argus na papalayo ng papalayo sa'kin habang lumalabo ang paningin ko dahil sa luhang tumutulo sa'king mata.

❦❦❦

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng trahedyang iyon, tahimik na ang palasyo mula sa usapain at ngayong araw na ang koronasyon ni Marshall bilang emperor ng Godlton empire.

Inayos ko ang uniporme ko at humarap sa salamin, mukhang na mayat ako at nangitim din ang ilalim ng aking mata.

Sariwa pa rin sa isip ko ang mga kaganapan noong isang buwan ngunit tikom na ang labi ko sa usapan, para bang isang kasalanan pagbinanggit mo pa ang trahedya na iyon.

Ngayon nananatili sila Argus at ang pamilya niya sa North wing ng palasyo malayo kay Marshall, iyong maingay at masayang palasyo ay nabalot ng katahimikan at para bang lahat ng galaw namin ay nakasaad na.

"Lucille, ibigay mo ang inbitasyon na ito sa aking pinsan." Inabot ni Marshall sa'kin ang isang sobre at kinuha ko ito sabay yuko sa kaniya ngunit mahigpit niya itong hinawakan kaya napatingin ako sa mga mata niya.

"Bakit parang malungkot ka? Hindi ka ba masaya na ako na ang emperor ngayon?" Napalunok ako at umiling sa harap niya, sa totoo lang sobrang laki ng pinagbago niya at 'yung komportableng pakiramdam ko sa tabi niya ay napalitan ng takot at kaba.

Alam kong biktima siya dito ngunit may pakiramdam ako na may mali, nagbuntong hininga ako at binitawan ang sobreng ayaw niya ibigay.

"Ikinagagalak ko po na kayo ang emperor your highness." Banggit ko at binitawan niya ang sobre at agad itong bumagsak sa sahig.

Parang walang emosyon na tumingin sa'kin at tinuro ang pintuan.

"Sige maari kana lumabas." Tumango ako at pinulot ang initasyon.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay huminga ako ng malalim at para bang maiiyak na ko sa takot at kaba. Hindi na siya ang kilala kong Marshall, iyong matamis na ngumingiti sa harapan ko at malakas na tumatawa.

Hindi ko namamalayang pumapatak na pala ang luha ko, kaya agad ko itong pinunasan at naglakad papuntang north wing ng palasyo.

Kinatok ko ang kwarto ni Argus at binuksan niya ito, ngumiti siya sa'kin ng malambing at mabilis ko agad siyang niyakap.

"Argus." Hindi ko na napigilan umiyak sa bisig niya, pakiramdam ko makakahinga na ko ng maluwag ngayong nakita ko na ang lalaking mahal ko.

"Oh anong nangyari? Inaway ka na naman ba ni Marshall?" Tanong niya at umiling ako, para akong nagiging bata na kulang sa aruga pag nakikita ko ang lalaking ito.

Siya na lang ang pahinga ko, parang pagnakikita ko siya nagliliwanag na ang araw ko mula sa madilim na palasyong ito.

"Kawawa naman ang mahal ko mukhang pagod na pagod ka sa pagiging personal guard ng emperor ah." Umiling ako, wala naman akong pakialam kung maging perosnal knight o guard pa ko ni Marshall, sa totoo lang gusto ko na ulit maging personal maid ng crown prince ko.

"Wala akong ginagawa kung hindi tumayo sa gilid niya, ito nga pala pinabibigay niya." Parang ayoko iabot sa kaniya ang sobre pero inagaw niya ito sa'kin.

"Ah legal na siyang kokoronahan," tumango ako at ngumiti lang siya sa harap ko. Tumingin ako ng malungkot sa mukha niya at niyakap niya lang ako.

"Hindi ako malungkot." Banggit niya dahil halata na pala sa mukha ko ang pagtatanong.

"Sigurado kang ayos lang sayo?" Tanong ko at umiling siya.

"Syempre hindi, alam ko naman na pinaghirapan din namin ni papa ang posisyon na iyon at isa pa ayoko na ganito kalungkot ang palasyo." Napatingin siya sa bintana at mahigpit lang akong yumakap sa kaniya.

"Parang walang buhay, masyado nang nilamon ng galit at puot si Marshall na hindi ko naman masisisi dahil sa kagagawan ng aking ina. Pero para sa'kin sobra-sobra pa ang buhay ni mama para pagbayaran iyon." Hindi ko alam kung sasangayon ba ako sa kaniya.

"Umamin sa'kin si mama at sinabi niyang kasalanan niya ang pagkamatay ng dating empress ngunit hindi niya raw ginawa ang iba pang binibintang sa kaniya." Napabangon ako dahil sa gulat.

"Ha? Panong hindi? Ibig sabihin may iba pang nais pumatay kay Marshall kahit na ikaw na ang crown prince at duke siya?" Tumango siya at nagbuntong hininga.

"Hindi si mama ang nagplano nang dahilan sa pagkamatay ni Tristan, hindi rin siya ang nagtangka ipapatay si Marshall sa hunting ground." Umiikot ang utak ko kakaisip sa mga sinabi niya.

"Pano mo na sabi iyon? Umamin ba si sir Ace." Tumango siya at napayukom ang mga kamao niya.

"Tama ka umamin na si Sir Ace sa'kin." Hindi ko alam kung anong sinasabi niya, pero puno ng determenasyon ang mga mata niya.

"Kailangan kong bawiin ang trono na dapat sa'kin, walang kasalanan ang aking ina sa pagkamatay ng emperor o ni Tristan at pinagbayaran niya na ang kasalanan niya. Buhay sa buhay." Banggit niya at seryosong nakatingin sa labas ng bintana.

"Nakikita mo ba ang pinagbago ng emperyo na ito, sa loob ng isang buwan pawang patay na ang mga tao sa loob ng palasyo." Hindi ako makasagot dahil totoo ang mga sinasabi niya, puno ng mga rules at sobrang pagtatrabaho ang pinapagawa samin ni Marshall.

Parang pagtumawa at ngumiti ka ay sisentensyahan ka ng kamatayan, ah— hindi lang pala parang dahil sa loob ng isang buwan ay madami siyang pinatay na tauhan ng empress.

Halos lahat ng mga tao na iyon ay may pamilya at mga mahal sa buhay pero hindi niya na isip iyon at pinapatay silang lahat dahil lang sa may kaugnayan ang mga taong iyon kay Empress Remelia.

Hindi niya man lang inalam kung inosente ba ang mga taong iyon o talagang may kinalaman sa bawat krimen na nangyari.

Wala siyang pakialam basta makapaghiganti, hindi na siya ang dark lord kung hindi isa na siyang Tyrant.

To be continued

AN: Four chaps to go, thanks for reading this trilogy guys Lovelots!

And also I would like to promote my story exclusive in dreame, hope you enjoy it!

And also I would like to promote my story exclusive in dreame, hope you enjoy it!

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.
Re:ToldOnde as histórias ganham vida. Descobre agora