CHAPTER 20

447 31 16
                                    

❦❦❦

Bitbit ko ang tray ng pagkain patungo sa kwarto niya, medyo kinakabahan akong makita ang kalagayan niya pero gustong gusto ko na rin masilayan ang mukha niya.

Kumatok ako at pinihit ang seredula ng pintuan, nanlambot ako ng makita siyang nakaupo sa kaniyang higaan at puno ng benda ang katawan.

Kumatok ako at pinihit ang seredula ng pintuan, nanlambot ako ng makita siyang nakaupo sa kaniyang higaan at puno ng benda ang katawan

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Yo! Kamusta ka Lucille?" Bungad niya sa'kin habang may malambing na ngiti sa kaniyang labi.

Napaluha ako, nagawa mo pang ngumiti kahit na halos mag agaw buhay ka para lang iligtas ang buhay ko?

"Huy, bakit ka umiiyak?" Hindi ko mapigilan ang pag agos ng mga luha ko, pakiramdam ko ay manlalambot din ako pag nawala ang taong ito sa harap ko.

Hindi ko alam kung ano itong pakiramdam ko pero isa lang ang alam ko, ayokong mawala sa paningin ko ang lalaking ito.

"Huy? Tara nga dito," aya niya sa'kin at lumapit ako sa kaniya, nilapag ko ang hawak kong tray at umupo sa harap niya.

"Kamusta po ang pakiramdam niyo your grace?" Tanong ko habang mangiyak ngiyak sa sinapit niya.

"Ito medyo masakit pa rin ang katawan, baka pwede mo kong subuan." Sabi niya sabay taas ng kaniyang mga kilay, minsan hindi ko maisip kung hanggang saan ang kakulitan ng lalaking ito.

Puno na ng benda ang buo niyang katawan tapos na gagawa niya pang mangasar. Nagbuntong hininga ako at pinunasan ang luha sa mga mata ko saka ko kinuha ang plato at sumandok ng isang kutsarang sabaw.

Nilapit ko ito sa kaniya at masaya niyang binuka ang kaniyang bibig, ngunit pagkasara pa lang ng mga labi niya ay agad siyang na suka.

"Lalasunin mo ba ko?" Tanong niya at saka ko lang na alala na may halong gamot pala ang putahe na inihanda sa kaniya

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Lalasunin mo ba ko?" Tanong niya at saka ko lang na alala na may halong gamot pala ang putahe na inihanda sa kaniya.

"May halong gamot nga pala ang pagkain niyo your grace!" Banggit ko at agad na kumuha ng tubig at inabot ito sa kaniya.

Tumakbo naman ako sa banyo upang kumuha ng basahan mapunas sa sinuka niyang pagkain.

"Kakapalit lang ng benda ko Lucille," pag iinarte niya at parang bata kung magmaktol, alam kong mahirap ang magpalit ng benda saka masakit ito kaya naman halos mataranta ako sa dinadaing niya.

Re:ToldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora